Mabilis siyang tumayo mula sa dining table at pumunta sa kitchen sink upang doon ilabas muli ang pagkaing isinubo niya.Napaka-alat ng sabaw na niluto ni Nathalie.parang tubig at asin lamang ang inilagay nitong sangkap sa pinaksiw na bangus. " Nat, you've been cooking this almost a year now.Hindi mo pa rin maluto ng maayos." matigas niyang sambit kay Nathalie na mistulang kamatis ang mukha sa sobrang pula. " Liam, I'm so sorry honey.G-gusto mo ba, oorder na lang tayo ng foods?" nag-aalalang tanong ng babae. " Huwag na, nawalan na ako ng gana." he suddenly walk out of the kitchen. " Alam kong hindi ko mapapantay sa kagalingan si Amaiah .Alam ko naman Liam na kahit anong gawin ko, siya pa rin ang pinakamagaling 'di ba?" naiiyak na sambit ni Nathalie habang nakasunod ito sa kanyang likuran