Isang linggo naghanda si Amaiah para sa opening ng kanyang munting snack house.Naging katulong niya sa paghahanda sina Flerray at Max dahil si Claime ay naging busy na sa trabaho. Matagal tagal pa naman ang kanilang susunod na misyon kaya mas mabuti pang may ibang pagkakaabalahan. Kumuha na rin siya ng apat na assisstant .Dalawang baker na tinuruan niya ng tamang mixture ng mga ingredients , isang waiter at isang cashier. Sa unang araw pa lamang ng kan'yang snack house ay marami na silang benta.Puro positibo ang mga compliments ng mga customers nila at ayon sa mga ito ay babalik balikan nila ang mga delicacies nila. " Congrats, Serena..." sambit ni Claime mula sa kabilang linya.Hindi kasi ito makakadalaw sa tindahan niya dahil marami raw itong office works na pinapagawa ng CEO. " Sa