AMAIAH/SERENA Hindi ko lubos akalain na napakaganda pala ng private resort kung saan idadaos ang christmas party ng aming unang kliyente . Maghahanda lang naman kami ng dessert table ,pagkatapos ay maghihintay na lamang hanggang sa matapos ang kainan ng mga kliyente. Nasa top view ang pribadong resort na iyon, at ang pool nasa pinakadulo at nakikita ang view ng malawak na karagatan. Napakaganda ng lugar, halatang bagong gawa lamang iyon at worth millions ang halaga ng private resort na iyon.You can also enjoy the beach kung isa kang taong mahilig sa dagat. Wala pa namang masyadong tao nang dumating ako kasama ang mga tauhan ko na sina Joy, Rene at Shena.Hindi naman kailangan ng maraming tauhan kaya kaunti lamang ang dinala ko para may kasama lamang ako sa pagbubuhat at pag-aayos ng m
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books