Lumabas si Yna ng club kahit medyo gumewang-gewang ang kanyang paglalakad. Nahimasmasan naman siya ng kaunti kaya kakayanin niyang magdrive. Wala na ding masyadong sasakyan sa kalsada dahil ala-una na yata ng madaling araw. Inayos niya ang lakad at hinanap ang sasakyan sa parking lot.
Hindi na nga pala niya nagawang magpaalam kay Debby pero bahala na. Bukas nalang niya kakausapin ang babae dahil malamang na take-out na din ito ng kung sino mang lalaki. Sanay naman na siya dahil lumaki sa ibang bansa si Debby kaya liberated itong babae.
"s**t. My feet hurt." bulong ni Yna sa sarili habang patuloy na hinahanap ang kotse niya.
"Where is my car? Ugh!" Napaikot ang mata niya dahil nakalimutan niya kung saan nga ba siya nag park. Nagsimula nang sumakit ant kanyang ulo at inaantok na siya kaya kailangan na talaga niyang makauwi. Besides may duty siya bukas kaya hindi pwedeng hindi siya makauwi ngayon.
"Hey, Yna! Wait." Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at pilit inaaninag ang lalaking naglakakad patungo sa kanya.
"Moris, Hey.." tipid niyang tugon.
"Are you going home?" tanong nito. May hawak na cellphone ang lalaki kaya nilagay nito iyon sa bulsa ng suot na pants bago bumaling ulit sa kanya.
"Yeah, but I can't find my car." nagbunga siya ng malalim na hininga at sinipat ang mga nakaparadang sasakyan. Sa sobrang dami niyon ay hindi niya talaga makita. Dagdag pang madilim sa bahaging iyon ng parking lot.
"Pwede kitang ihatid. Bukas mo nalang kunin ang sasakyan. And you're drunk."
"Hindi na Moris. Hahanapin ko nalang 'yong sasakyan ko. Baka sa banda doon. Nakakaisturbo pa ako sa'yo." turan niya sa lalaki pero umiling lang ito.
"No, I insist, Yna. Pambawi na rin kanina. Atsaka it's not safe for you to drive home at this hour." tugon nito. Sabagay ay inaantok na nga siya. At hindi naman mukhang manyakis si Moris. Akmang tatango na siya ng may biglang magsalita sa kanilang likuran.
Hindi niya napansin na may taong nakatayo doon dahil nga medyo mapungay na ng kaunti ang kanyang mga mata.
"She already said no." Hindi lang yata kalamigan ang naririnig niya sa tono ng boses nito. May halong pagtitimpi rin dahil umiigting ang panga ng lalaki habang nakatingin sa kanila. Kahit mat kadiliman sa banda kung saan ito nakatayo ay hindi maipagkakaila ang madilim nitong mukha.
"Who are you?" Ang tatakang tanong ni Moris ang nagpabalik kay Yna sa kasalukuyan.
"Its for you to find out." Tipid lang nitong sagot. Naningkit naman ang mata ni Yna at umiling. Hinawakan ang kamay ni Moris para sabihing huwag na nitong pansinin. Kanina pa niya ito hindi maintindihan. Nasusuklam ito sa kanya at nakikita iyon ni Yna sa mga tingin nito pero nagtataka siya sa kilos ng lalaki ngayon.
"Tara na, Moris." hihilahin na sana niya ang kamay ni Moris pero bigla siyang natapilok dahilan para mapahawak siya sa sasakyang malapit lang sa kanya.
"Yna!"
"Yna! f**k, Don't touch her!"
"What the f**k are you doing? You're not even her boyfriend!" boses ni Moris ang kanyang narinig.
"Back off! You still want your job right? I can call the CEO of the EL CUEGO AIRLINE and told my FRIEND to give you memo." pinagdiinan pa nito ang salitang friend dahilan para hindi na makapagsalita si Moris. Mukhang natakot yata ito sa narinig.
Hindi niya alam kung sinong kamay ang sumalo sa kanya pero wala na siyang lakas ng loob na tingnan kung sino. May idea na si Yna pero wala siyang lakas ng loob na alamin.
Duda niya ay dahil sa iba-iba ang alak na nainom niya kanina kaya ganito kalala ang tama sa sistema niya. Akala pa naman ni Yna ay okay na siya dahil sumuka na siya sa banyo kanina pero nagdagdagan lang pala ang kanyang hilo.
Ilang sandali pa ay parang dinuduyan si Yna sa hangin. Dinid na dinig niya ang tunog ng sapatos at ang pagbukas ng pinto ng kotse. Hilong-hilo na siya at wala nang lakas na kumawag. Hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng kamalayan at nakatulog.
----
Gumising si Yna na masakit na masakit ang ulo. Napaungol siya dahil parang pinupokpok ng dalawang bato ang kanyang ulo.
Shit na alak!
Nang binuka niya ang mata ay napakunot siya ng noo dahil hindi pamilyar sa kanya ang kulay ng kama. Maroon ang kulay ng bedsheet niya at hindi itim!
Fuck!? Did she just had s*x with someone??
Agad niyang niyuko ang ilalim ng kumot at napanganga dahil panty nalang ang suot niya! Hinanap niya ang damit pero wala siyang nakita kahit sa sahig. Sobrang laki din ng kwarto at ang kama na pwede na yatang tulugan ng walong katao. Malinis na malinis din ang paligid at sobrang bango pa. May isang bedside table na may mga papel na maayos na nakafile at isang laptop na hindu nakabukas.. May isang swivel chair din sa harap ng mesa at isang coat sa sandalan.
Nakagat niya ang daliri dahil hindi niya alam kung anong unang gagawin. Wala siyang damit kaya hindi siya pwedeng lumabas ng nakapanty lang! Bahagya din niyang pinakiramdaman ang sarili pero wala namang kakaiba sa kanya.
God, Yna!! What have you done?
Akmang tatayo siya mula sa kama ng bumukas ang pinto ng kwarto. Natuod si Yna at nabitin ang akmang pagtayo. Nakatapis din ang kumot sa dibdib niya dahil kahit bra ay wala siyang suot. Ang striktong mukha ni Paul Vicente ang nakatayo sa hamba ng pinto habang walang emosyong nakatingin sa kanya.
Damn! Bakit ito ang kasama niya? Ang naalala niya ay si Moris ang kasama niya kagabi!
"A-anong ginagawa ko dito?" nauutal niyang tanong. Ang kamay niyang nasa kama ay bahagyang napakuyom. Humigpit din ang kapit niya sa kumot na nasa bandang dibdib.
Shit. Nag s*x ba sila? Siya ba ang nag nauna??
Mga katanungang naglalaro sa utak ni Yna pero hindi niya mabigyan ng kasagutan. Kung wala siguro ang lalaki sa harap niya ay kanina pa niya nasabunutan ang sarili.
Nang hindi ito sumagot ay mahina siyang tumikhim.
"Aalis na ako. N-nasaan ang mga damit ko?" kung ayaw nitong sumagot ay wala na siyang pakialam sa ngayon. At kung may nangyari nga sa kanila ay sa bahay na niya iyon pagsisisihan. Ang importante ngayon ay makauwi siya, makalayo!
"You're dress? I ruined it." Sagot nito na nagpalaki sa kanyang mata.
"What?" halos hindi na iyon lumabas aa bibig niya. Ruined? Ganon ba sa ka wild kagabi na nasira nito ang damit niya?
"B-bakit mo ginawa yon?" nanlulumo niyang tanong.
"You can use this." may initsa itong paper bag na hindi niya napansin kaninang dala-dala nito. Mas naka fucos kasi siya sa mukha ng lalaki na nakalimutan na yatang gumawa ng emosyon bukod sa kalamigan.
Wala siyang nagawa kundi kunin ang paper bag at tingnan ang laman. Isang pares ng panty at bra, may tag pa ng sikat na brand at damit na maxi dress na hanggang tuhod niya. The dress was lovely pero hindi niya magawang e-appreciate iyon dahil sa kaba.
Akmang lalabas na ito ng pinto nang bigla siyang magsalita. Ang malapad nitong likod nalang ang nakikita niya pero huminto naman ito para pakinggan siya.
"May nangyari ba?" Hindi rin nakatiis na tanong niya.
Umikot ito paharapnat matiim siyang tinitigan.
"What do you think?"
"I don't know, Vicente. I'm f*****g wasted last night and-"
"Sinasabi mo bang kapag nalalasing ka ay kung sino-sinong lalaki ang sinasamahan mo?" gumalaw ang panga nito at madilim siyang tiningnan.
"N-no.. Hindi ako naglalasing palagi. Kagabi lang ako nalasing ng ganon." aniya.
"Really?" nakataas ang isang kilay nitong sambit..Parang nagdududa.
"Sagutin mo kasi ang tanong ko." may inis niyang turan. Para kapag magsisi man siya ay alam talaga niya ang totoo..At ipapangako niya sa sarili na hindi na iinom. At iiwasan na niyang magkita pa sila nito. Ever.
"To answer your question. Nothing happened."
Hindi niya alam kung makakahinga siya ng maluwag sa naging sagot nito.
"B-bakit ako nakahubad?"
"You vomited in my car. Hindi ko mahubad ang damit mo kaya pinunit ko nalang. And yes, I've seen everything. Wala namang nagbago. Lumaki lang silang lahat pero ganon parin. Every women in my life was way more attractive than you are." labas sa ilong na sambit nito bago siya tinalikuran. Bago paman siya naka react ay wala na ito sa harap niya.
Napasuntok at napamura si Yna dahil sa inis. Mabuti nalang ay nakalabas na si Vicente. Ang sinasabi ba nito ay hindi siya ganoon ka sexy? f**k him!
Maniniwala na sana siya kung hindi ito nakatitig kanina sa dibdib niyang tanging kumot lang ang nakatabon. Tse!