CHAPTER 4

1294 Words
Nang makabawi sa pagkabigla ay agad na humiwalay si Yna sa lalaking nasa likuran niya. Hindi lang malamig ang tingin nito sa kanya, matiim din at nakakatakot pa. Parang biglang nawala ang alak sa sistema ni Yna ng mga sandaling iyon. Tila may naghahabulan ding daga sa loob ng dibdib niya. Ikatlong beses na nila itong pagkikita at ngayon lang niya nakita ang rekognasyon sa mga mata nito. Napalunok siya at sinalubong ang tingin nitong mapanuri. "Hindi ikaw ang kasayaw ko kanina." pormal niyang sagot. Sa kabila ng malakas na tugtog ay alam niyang naririnig siya nito. "Why? Would you rather dance with that man than me?" tumiim ang bagang nitong sambit kasabay ng pag-igting ng panga. "Siya ang kasama ko at hindi ikaw." sagot naman niya na hindi nag-iwas ng tingin. Narealized niyang hindi pala siya dapat natatakot sa lalaking ito. "Right.. I thought you were not satisfied with one man. You want a lot right? Pagkatapos niya, pwedeng ako naman?" Parang asido na sinaboy sa buong pagkatao niya ang lumabas sa labi ni Paul. Pero imbis na ipakitang naapektuhan siya ay nagtaas siya ng mukha at umiling sa lalaki. Iling na may halong nang-aakit na ngisi. "Ohh, I'm sorry but I don't eat again what I spit out." maanghang din niyang sambit sanhi ng lalong pag-igting ng panga ng lalaki. "Excuse me, My boyfriends are calling me." pinagdiinan pa niya ang salitang boyfriends para inisin pa lalo ang lalaki. Bago paman siya tuluyang lubayan ng lakas ng loob at hintayin ang magiging sagot nito ay agad siyang tumalikod at bumalik sa kinauupuan. Hindi na siya nagtangkang lumingon sa kinaroroonan ng lalaki dahil ayaw niyang marinig pa ang mga susunod nitong sasabihin. Nang makabalik sa mesa ay doon niya nakita si Moris na humihingi ng tawad sa kanya. May natanggap daw kasi itong tawag na importante kaya't hindi na nito nasabing iiwan siya ng lalaki sa gitna ng dancefloor. Medyo na off siya sa rason pero wala na siyang magagawa. Sincere din naman ito sa paghingi ng pasensya kaya ngumiti nalang siya. Dinampot pa niya ang isang goblet na may alak at uminom doon sakaling mahimasmasan siya. Muntik pa nga niya iyong maibuga palabas ng makitang dumaan ang iniiwasan niyang lalaki sa table kung saan siya nakaupo. Lahat ng babaeng naabot ng paningin ni Yna ay nakasunod ng tingin sa lalaki na wari'y isa itong haring naglalakad patungo sa trono nito. Sa tangkad nitong 6'2 ay ito na yata ang pinaka matangkad sa mga taong nandoon, isa din siguro sa dahilan kung bakit nakakakuha ito ng atensyon. Hindi pa kasali doon ang mukha at tindig nito na kahit sa malayo ay iba ang dating. Gone was the young and soft Paul she ever knew. Wala na ang malambot na expresyon nito noon kapag tumitingin sa kanya. Napalitan na iyon ng kalamigan at kawalan ng emosyon. Ibang-iba na din ito kesa dati. Mula sa isang simpleng Paul Vicente, ngayon ay nagsusumigaw ang appeal at karangyaan sa bawat sulok ng pagkatao nito. Mas lalo din itong gumwapo kaya hindi na siya magtataka kung maraming babae ang maghahabol sa binata. Kahit nga dati ay maraming babae na ang nagkukumahog na mapansin nito paano pa kaya ngayong nasa tuktok na ito ng mundo. Patuloy parin sa pag-inom si Yna hanggang sa hindi na niya mabilang kung ilang bote na ng tequila ang naubos niya. Basta ang alam niya ay nahihilo suyang tumayo at hinanap ang banyo ng club. Kahit dalawa na ang paningin niya sa sahig ay pinilit parin niyang maglakad hanggang sa rest room. Nang makita niya iyon ay agad siyang pumasok sa isang cubicle at naupo sa nakasaradong bowl. Nasusuka at umiikot ang mundo ni Yna kaya hindi niya malaman kung ilang minuto na siyang nakaupo. Ilang sandali at tumayo si Yna at binuksan ang bowl. Tinusok niya ng daliri ang lalamunan at hindi nagbilang ng segundo ng ilabas niya lahat ng alak na nainom. Pakiramdam niya ay naisali pa niya ang kanyang mga bituka. Nag flash din agad siya ng toilet pagkatapos. Maya-maya ay hinubad niya ang suot na heels at nagdesisyong lumabas para ayusin ang mukha. Sa tingin niya ay kaya pa niyang mag drive kapag nahimasmasan siya ng ilang minuto. Pabalibag niyang binuksan ang pinto ng cubicle at nagpunta sa sink. Naghilamos siya ng mukha at inayos ang buhok. Pati ang make up niya kaninang burado na ay pinalitan lang niya ng lipstick. Mabuti nalang talaga at pormado na lahat sa kanyang mukha kaya hindi siya nag aalala kahit wala siyang make up. Kasalukuyan siyang nakatitig sa salamin ng marinig niya ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Hindi siya nagtangkang lumingon sa pag aakalang babae din ang pumasok ngunit laking gulat ni Yna nang masalubong niya ang seryosong mukha ni Paul sa salamin! Nang tumalikod ito ay hindi siya nakahuma at natulalang nakasunod sa lalaki na humakbang patungo sa unang pinto ng cubicle. Nagtataka pa siya ng isa-isa nitong tiningnan ang mga cubicle na para bang may hinahanap itong kasama niya. "You're alone?" hindi parin kumbisidong too tanong nito. "May nakikita ka bang kasama ko?" mataray niyang sambit at tumuwid ng tayo. Bitbit parin pala niya ang sapatos at nakayapak ang paa niya sa sahig. "You spent almost an hour, here alone?" "And why do you care, Vicente?" "You wish." Masungit nitong turan. "Iyon naman pala. Anong ginagawa mo dito? This is a ladies restroom as far as I know." Sandaling nagdalawang isip ang lalaki sa isasagot kaya napataas ang isang kilay niya. Nang hindi talaga ito sumagot ay napailing nalang si Yna at nilapag ang sapatos sa sahig. Isusuot na niya iyon ulit dahil uuwi na siya. Akmang tuyuko na siya sa sahig ng maunahan siya ng binata. Mahaba ang braso nito kaya mas nauna nitong nadampot ang kanyang sapatos. "Give me my shoes, Vicente. " naniningkit ang mata niyang turan. "Let me." baritonong boses nitong sagot at magaan na kinuha ang isang paa niya para isuot ang sapatos. At dahil wala na siyang nagawa ay tumuwid siya ng tayo. Pinagmamasdan ang lalaking isuot ang isa niyang sapatos. Kung nasa normal siyang pag-iisip ay kanina pa si Yna tumakbo palayo pero ngayon ay sinisisi niya ang alak dahil hindi man lang niya nagawang lumayo. Nang tumingala ito sa kanya ay napalunok si Yna. Paano ay sa sobrang ikli ng suot niyang damit hindi malayong nakikita nito ang suot niyang panty! Matangkad pa naman ang lalaki kaya saktong sa hita talaga niya nakatapat ang mukha nito. Saktong-sakto sa laylayan ng suot niyang maikling dress. Wala sa loob na nag-init ang mukha ni Yna at nakagat ang labi. Ang ilang minuto ay tila naging ilang dekada sa kanya. Sa bawat pagdampi ng kamay nito sa kanyang balat sa paa ay tila nakukuryente si Yna. Dagdag pang parang sinasadya nitong bagalan ang kilos kahit madali lang naman ikabit ang sapatos niya. Bahagya pa siyang natilihan ng unti-unti ang ginawa nitong pagtayo na wari inaamoy ang katawan niya mula sa hita hanggang sa dibdib. "S-salamat." mahina niyang sambit. Akma siyang tatalikod nang higitin nito ang kanyang braso. Nabitin tuloy ang kanyang paghakbang at nasalo ang matiim nitong tingin. "Hindi na ako tumatanggap ng salamat lang, Yna." turan nitong nagpakunot sa noo niya. Ang kamay nitong nasa kanyang braso ay mainit at nakakapaso. "Anong gusto mo?" nakita niya ang pagtaas ng labi nito sa naging tugon niya. "You. I want you tonight, Yna. All by myself." mariin nitong turan.. Sa halip na mabigla ay kusang napunit ng isang mapang-akit na ngiti ang kanyang mga labi bago lumapit sa lalaki at bumulong.. "You wish." sambit niya sa mga katagang binanggit nito kanina bago siya nagmadaling tumalikod at lumabas ng rest room.. Nakalimutan niyang sabihin kanina, hindi lang pala ito mas naging gwapo, mas naging gago na rin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD