CHAPTER 6

1987 Words
Hanggang langit man ang inis ni Yna kay Vicente ng mga oras na iyon ay wala siyang magagawa kundi sarilihin nalang. Ang gusto nalang niyang gawin ay umalis sa bahay nito. Huminga nalang siya ng malalim at dinampot ang paperbag na binigay ng lalaki sa kanya a bigkanina bago nagpunta sa banyo at naligo. Sa inis ni Yna ay inabot yata siya ng isang oras sa banyo at ginamit niya ang lahat ng panligo ng lalaki. Pagkalabas niya ay nagkagulatan pa sila ni Paul na may pagtataka sa mukha habang nakatingin sa kanya. Nagsasalubong nag dalawang kilay nito na parang sinasabinh bakit sobrang tagal niya sa banyo. "Isang oras kana sa banyo pero hindi ka parin nakabihis?" ayan na naman ang malamig nitong tingin na wari'y walang interest sa kanya. Hindi niya ito pinansin at dinampot ang damit na nakalimutan niyang dalhin sa banyo kanina. Nakatapis lang siya ng maliit na tuwalya pero hindi siya kinabahan dahil hindi naman kamo siya attractive sa paningin nito. "I'm talking to you, woman." Tila napipika nitong sambit. "What? Nagtitipid ka ba ng tubig?" pabalang niyang sagot. Hindi parin nawawala ang inis niya kaya manigas ito. "May I remind you that this is not your house." "I know. I know. Heto na nga at magbibihis na. You want me to strip here in front of you?" Tumaas ang kikay niyang turan. Kanina pa sana siya nakabihis kung lumabas agad ito. Nakita niya ang pag-iwas nito ng tingin sa mga hita niyang may tumutulo pang tubig.Pati bandang dibdib niya ay hindi na niya inabalang higpitan ang kapit. "I'll give you five minutes." "Make it ten." nanlalaki ang matang turan niya. Anong akala nito? Siya si the flash? "Seven minutes. I'll have a meeting in 20 minutes and you're disturbing my peace." mariin nitong turan bago siya talikuran. Masama ang tingin na sinundan niya ang papalayong likod ng lalaki. Nang mapag-isa ay mabilis ang kilos na nagbihis si Yna. Mabuti nalang talaga at kasyang-kasya ang damit na binigay sa kanya ni Vicente. She wondered why he has this kind of clothes. Baka sa babae niya pala niya ito dapat. Mas lalong nainis si Yna sa naisip kaya mabilis niyang tinapos ang pagbibihis. Hindi na niya nagawang magsuklay at basta nalang inipit ang buhok sa dala niyang clamp sa bag niya. Pagkalabas ng kwarto ay sumalubong kay Yna ang malamig at walang katao-taong living room. Malaki at spacious masyado ang condo ng lalaki at very nuetral lahat ng kulay na nakikita niya. Bumagay lang sa striktong pagmumukha ni Paul na nakalimutan na yata ang ibang emosyon. Akmang hahakbang siya patungo sa pinakapinto ng may sumulpot sa gilid niya. Si Vicente na may hawak boxing gloves sa kamay at pawis na pawis. Nagtatakang napatingin si Yna sa hinihingal na lalaki pero wala siyang balak punain ito. Kailangan na niyang makauwi dahil may mga pasyente siyang naghihintay sa kanya sa hospital. Kahit pa kumakaway ang matigas niting kalamnan mula sa pawisan nitong tiyan at dibdib. Pilit na binalewala lahat iyon ni Yna. "I'm going." hindi nakatingin na sambit niya sa lalaki. Tumango lang naman ito at nilampasan siya para magtungo sa kitchen. Nakasunod ang kanyang tingin sa lalaki na kumuha ng tubig sa ref at uminom. Aminin man niya o hindi ay napakagat labi siya ng maamoy ang ang naghahalong pawis at natural na bango ni Vicente sa ilong niya. Hindi masakit sa ilong at amoy gwapo parin. Brace yourself Doctora! At dahil hindi naman ito sumagot ay nagpatuloy siya sa paghakbang patungo sa pinto ngunit agad ding humarap muli ng may maalala. "Anong nangyari kay Moris? Naalala ko lang na siya ang huling kasama ko kagabi." Dumilim ang mukha nito at mas kumunot ang noo. "The last time I checked, Hindi ako hanapan ng mga lalaking nawawala." Nakataas ang kilay nitong sagot. Bigla tuloy siyang nagsisi na tinanong pa niya iyon. Alam na alam ni Yna na wala siyang makukuhang sagot mula dito. Ni ayaw nga siya nitong kausapin o ni tingnan. Ganon ito kagalit sa kanya. "Anyway, thankyou for letting me sleep in your room. Just tell me if you want something in return. I would gladly do it for you." Tama lang din na pasalamat niya ang lalaki dahil sa ginawa nito kagabi. Kung wala ito ay baka sa parking lot siya nakatulog dahil sa kalasingan. Matagal bago ito tumugon na wari'y nag-iisip. "Anything?" Bahagyang natigilan si Yna dahil hindi niya inaasahan ang magiging sagot nito. She was not expecting that he wanted something in return! Kaya lang naman niya nasabi ang bagay na iyon dahil akala niya hindi na nito iyon papansinin at pauuwiin siya agad para makaalis na siya sa bahay nito. "Y-yes." she reluctantly said. "Hmm..I actually want your service, Yna." he said while playing his finger on the top of his table. "W-what kind of service?" hindi niya alam pero kinakabahan siya sa patutunguhan ng pag-uusap nila. Ibang service kasi ang naiisip niya! "Iisipin ko pa. I will tell you once I'm done thinking about it." anito. Bago pa siya makapag-isip ay nauna nang bumuka ang kanyang bibig para sumagot. "S-sige." Hindi niya alam kung paano siya tuluyang nakalabas sa condo ng lalaki ng mga oras na iyon. She just felt that Paul was up to something. Hindi niya matukoy kung ano pero kinakabahan siya sa serbisyong pinag-iisipan nito. Nang makasakay sa taxi ay agad naman siyang nakatanggap ng tawag mula sa kanyang sekretarya. Doon lang din niya naalalang may duty pa pala siya ngayong araw. "Doc? Cancel ko na ba lahat ng appointments today?" her secretary said while stuttering. Siguro ay nagtataka ito dahil hindi niya ugali ang ma-late o di kaya ay basta nalang aabsent ng hindi nagsasabi or walang dahilan. "No, I'm sorry I just got an important meeting at kakauwi ko lang. Andiyan na ako ng 9am." agad niyang turan. Napahilot siya sa noo dahil unang beses niyang nagsinungaling. Hindi niya pwedeng sisihin ang birthday ni Debby dahil pwede siyang umuwi ng maaga kagabi pero hindi niya ginawa. Dagdag pang nakatulog siya sa bahay ng ex niya kaya nawindang ang pag-iisip ni Yna at nakalimutang maaga pala dapat siya sa hospital. "Noted, Doc.Thankyou." Nang mawala ang kausap sa kabilang linya ay inutusan niya ang driver ng taxi na bilisan. Habang nasa sasakyan ay nagtext nadin siya sa pinsan niyang si Debby na kung pwedeng kunin ang kotse niya sa club kagabi. Total ay malapit lang ang condo unit nito doon. Napasandal siya sa upuan ng sasakyan habang naghihintay ng replynat nakahinga siya ng maluwang ng mag thumbs up ito. Pagdating sa bahay ay wala nang sinayang na sandali si Yna. Nagbihis agad siya at nagmadaling mag-apply ng make-up. Muntik pa nga niyang makalimutan ang white coat mabuti nalang ay mabilis ang kamay niyang kumuha sa closet bago nagmadaling e-drive ang bakanteng kotse niya. Ang kotseng naiwan kasi sa club ay ang regalo nang magulang niya noong maging doctor siya at ang isa ay binili ni Yna sa sarili niyang pera noong kumikita na siya. Halos paliparin niya ang sasakyan makarating lang sa hospital. Pagkapasok palang niya ay maraming naghihintay na pasyente sa labas ng opisina niya kaya kahit kape ay nakalimutan na ni Yna. Ang ending ay sobrang sakit ng kanyang ulo bandang alas dos ng hapon. Mabuti nalang talaga at maaasahan ang kanyang sekretarya dahil may pagkain agad na naka handa para sa kanya. ---- Lumipas ang isang linggo ay bumalik ulit sa normal ang kanyang buhay. Bahay, hospital lang talaga ang umiikot ang kanyang buong araw kaya pagsapit ng sabado ay binibigay ni Yna ang panahon na iyon sa sarili. Day off niya at kailangan niyang mag relax. Shopping and spa ang kanyang naisipang gawin kaya umaga palang ay naghanda na si Yna. Malapit lang naman ang mall sa bahay niya kaya hindi siya mahihirapan sa byahe. Lahat ng paborito niyang restaurant ay pinasukan ni Yna nang mag-isa. She was being used to that anyways. Being alone and single is not that bad, may mga panahon lang na naiisip niyang paano kaya kung pumasok ulit siya sa isang relasyon? Noong nasa states siya ay wala siyang magustuhan. Paano nga ba siya magkakagusto kung sa bawat lalaking nagtatangkang manligaw sa kanya ay naikukumpara agad ni Yna sa isang tao. Specifically, sa isang lalaki. Napailing siya sa naisip at ini-enjoy ang creamy chicken carbonara na inorder niya. Tapos na siya sa spa kaya nang makaramdam siya ng gutom ay dito niya naisipang kumain. She was feeling happy and contented alone, not until when the entrance of the restaurant's glass door open. Agad natuon ang kanyang paningin sa dalawang taong kakapasok lang sa resto. The woman on the left side was petite but sexy. Maputi din ito at maganda while the man on the other side was familiar. Very familiar actually. Nakapamulsa ito sa suot na baston pants habang inaalalayan ang babaeng kasama. As usual he was wearing his strict face look na kahit ganon ay hinahabol parin ng tingin ng mga kababaihan. Umupo ang mga ito hindi kalayuan sa kanya. Nagpasalamat siyang medyo tago ang bandang kinauupuan ni Yna kaya hindi agad siya makikita kung hindi sasadyain. Kahit hindi dapat ay hindi niya mapigilang maging all ears lalo na nang umabot sa pandinig niya ang mahinhing tawa ng babae. "Can I go to your house tonight, Mr. Vicente?" Mas lalong tumaas ang tenga ni Yna sa narinig sanhi ng pagkahulog ng tinidor sa ilalim ng mesa. Nasagi kasi niya iyon ng kamay ng hindi sinasadya. Nanlaki ang mata niya dahil nasalubong niya ang tingin ng lalaki. Parehas pa silang nagulat na hindi inaasahang magkikita sila dito. Shit. Nagkunwari siyang walang pakialam kahit kating-kati na siyang marinig ang sagot ng lalaki.. "Well, it depends, Fiona." sagot naman nito.. "Depend on what?" malambing namang sagot ng date nito na akala niya mahinhin pero mag pagka-talandi pala. "Depends on the service that you can give." Nakita niya ang pagtaas ng labi ni Vicente at ang pagsulyap nito sa gawi niya habang sumasagot. Service? Anong serbisyo ba ang gusto ng lalaki at nauuso yata iyon sa lahat ng babae nito? Pati siya naguguluhan sa service na sinasabi nito. Hindi na niya nasundan ang pag-uusap ng mga ito kaya kumain nalang si Yna. Biglang pumait ang panlasa niya sa carbonara na kanina naman ay takam na takam siya. Ilang sandali pa ay tumayo ang babae at nagpaalam na mag babanyo. Tinapos na din niya ang kinakain dahil parang hindi siya makahinga kapag nasa iisang lugar lang sila ng lalaki. Ngunit hindi niya inaasahan ang biglang pagtayo din nito at naglakad sa gawi niya. "What are you doing here in my table, Mr. Vicente?" she formally said. "Gusto ko lang sabihin na may naisip na akong serbisyo kapalit ng pagtulong ko sa'yo." Gusto din niya sanang sabihin na hindi niya naman hiningi ang tulong nito nang gabing iyon pero nagpigil si Yna. "Is it too rude to talk about that in the middle of your date?" "Lunch meeting. It's different." Napatango-tango si Yna pero hindi siya naniniwala..Sa mga narinig niya kanina. Hindi lang meeting ang gagawin ng mga ito. "She's an architect. And I want her to design my house." Dagdag pa nito na nagpatigil sa kanya. Masyado lang pala siyang marumi mag-isip! Sa isip niya ay baka ay wala naman talagang malisya ang hinihingi nito sa kanya. Sadyang iba lang ang takbo ng isip ni Yna. "Okay. So, the service you're talking about a week ago. Spill it." aniya sa pag-aakalanh tungkol sa trabaho din ang serbisyong hihingin nito. "Hmm.. That's another story for you, Yna." sambit nitong hindi maalis ang titig sa kanya. "W-what do you mean?" "Extra Service, Doc Yna. Extra f*****g Service in my bed." Like a ticking bomb. Hindi lang sampal ang natanggap ng lalaki sa kanya ng makabawi si Yna kundi isang malutong na mura. "f**k you, Paul Vicente!" mariin niyang turan bago hinablot ang bag na dala at mabilis na naglakad palabas ng restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD