Matapos ang nagpupuyos na loob ni Yna ay umuwi na siya sa sariling bahay. Wala na, sinira na ni Paul Vicente ang pamper day niya para sa sarili. Nagngingingit ang kalooban niya sa isiping sobrang baba ng tingin nito sa pagkatao niya dahil sa nangyari sa nakaraan. Oo at nasaktan niya ito kaya pinapalampas ni Yna ang galit na nakikita niya sa mga mata nito. Ang malamig na titig nito sa tuwing nagsasalubong ang kanilang tingin. Nakompirma lang ni Yna na wala na talaga ang Paul na minahal niya noon. At dahil sa nararamdamang bigat ng dibdib ay natulog si Yna sa kwarto niya at gabi na nang lumabas. Alas nuwebe na ayon sa relong pambisig na suot ni Yna. Kaya naman wala na siyang ibang ginawa kundi kuhanin ang hoddie jacket niya at kinuha ang susi ng sasakyan. Maghahanap nalang siya ng makakain