"KOKOY!" Biglang napahinto sa paglalakad ang binata nang marinig nito ang pagtawag sa kaniya ni Marya. Tulak-tulak ang Housekeeping Trolley ay bumalik ito sa kinaroroonan ng dalaga. "Good afternoon po ma'am Marya." nakangiting bati niya. Kunot ang noo at saglit na pinasadahan ni Marya ng tingin ang lalake. Kahapon nang una niya itong makita, naka-bell boy uniform ito. Tapos naging Personal Alalay ni Judas nang hapon, tapos ngayon naman Room Attendant ito. "A, all around po talaga ako rito sa Hotel ma'am." anang Kokoy nang mahalata sa hitsura ng babae ang pagtataka nito. Napatango naman si Marya sa sinabi nito. "Um, where's your señorito by the way?" tanong niya rito. "Kaninang umaga ko pa kasi siya hindi nakikita." "Ay, umalis po siya ma'am Marya." sagot nito. Muling nagsalubong