"IS HE your son, Marya?" ulit na tanong ni Judas nang kumalas ang dalaga mula sa pagkakayapos niya sa baywang nito. Humakbang ito palayo sa kaniya. "Um..." anang Marya pagkuwa'y malalim na buntong-hininga ang pinakawalan sa ere. Nag-iwas ito ng paningin sa binata. Mataman namang nakasunod ang paningin ni Judas kay Marya. "...a-ano, um—" "Is he your son, Marya?" he had been asking Marya about Noah, pero hindi pa rin siya nito sinasagot. What's the problem with that question? Gusto niya lang naman malaman kung anak ba nito si Noah o hindi! "J-judas." nag angat ng mukha si Marya at tinapunan ng tingin ang binata. Muli na sana siyang magsasalita nang bigla namang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa loob ng hawak-hawak niyang hand bag. "Um, wait lang." aniya at kinuha roon ang aparaton