"HIMALA!" kunot ang noo na saad ni Handa nang pagkapasok nito sa kusina ay naroon na si Marya. Prente itong nakapuwesto sa harap ng hapag habang may hawak na tasa ng kape. Mabilis na dumako ang paningin nito sa wall clock na naroon upang tingnan ang oras. It's six thirty in the morning! Nakakapagtaka ata! Ano ba ang nakain nitong kaibigan niya at ang aga nitong nagising? Samantalang kapag naroon siya sa apartment nito ay halos tanghali na ito kung bumangon. "I can't believe nauna ka pang gumising kaysa sa pagtunog ng alarm clock mo?" anito. "Buenos días amiga!" nakangiting bati ni Marya kay Handa. Nangunot lalo ang noo ni Handa habang naglalakad ito palapit sa hapag. "What happened last night?" tanong nito. "May nangyari ba? Are you okay?" "Nothing!" nagkibit pa ito ng mga balikat at mu