"WHY? What happened?" kunot ang noo na tanong ni Judas kay Marya nang biglang mapatayo sa puwesto niya ang dalaga. Nagmamadali na rin siyang tumayo at sumunod dito palabas ng restaurant na iyon. "Hey!" aniya at hinawakan niya ito sa braso. "What happened?" ulit na tanong niya rito. "S-si N-noah! Sinugod siya sa hospital nina tita." nauutal na saad ni Marya. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa bata. Kahit nanginginig ang mga tuhod at buong katawan; muling naglakad si Marya para lisanin ang lugar na iyon. Nag-uumpisa na ring mag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. "What?" anang Judas. Mayamaya ay bigla nitong hinawakan sa kamay si Marya. "Let's go! I'll drive you home!" anito at nagmamadaling iginiya si Marya papunta sa kaniyang sasakyan. Pinagbuksan niya ito ng pinto sa