"KAYO na po muna ang bahala kay Noah tita huh!" anang Marya sa kaniyang tiyahin habang inililigpit niya ang kaniyang mga gamit na dadalhin para sa bakasyon nila ni Judas. Balak sana niyang isama ang anak kagaya nang sinabi sa kaniya ng binata, pero kakalabas lang kasi nito sa hospital kaninang umaga. Gusto niyang magpagaling muna ito ng tuluyan bago ipasyal sa kung saan. "Huwag mo ng isipin 'yon! I always taking good care of your son naman e!" saad nito. Ngumiti si Marya nang tapunan niya ng tingin ang matanda. "Thank you tita!" aniya. "Basta, tawagan n'yo lang po ako kapag may problema rito." dagdag pa niya na sinagot naman ng kaniyang tiyahin ng tango. "Mommy!" "Yeah pumpkin?" aniya nang pumasok sa pintuan ng silid ang kaniyang anak. May yakap-yakap pa itong stuff toy na superman.