NAG-IINAT pang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama niya si Marya. Maganda ang sikat ng araw sa labas nang buksan niya ang bintana ng kaniyang silid; bagay na siyang mas lalong nagpaganda sa umaga niya. She let out a gentle sigh in the air as she closed her eyes. May munting ngiti pa ang sumilay sa kaniyang mga labi. "Good morning." bulong niya. Matapos pagsawain ang mga mata sa kulay asul na kalangitan ay naglakad na siya papasok sa kaniyang banyo upang mag-ayos ng sarili. Itinali niya ang hanggang balikat na buhok 'tsaka nag toothbrush at naghimalos. Pagkatapos sipatin ang sarili sa salamin ay kaagad din itong lumabas sa kaniyang kuwarto at nagdiretso sa kusina upang mag luto ng kaniyang umagahan. It's already eight in the morning. At dahil linggo naman ngayon ay half day lang ang pasok