CHAPTER 23

2142 Words

MALAKAS na tunog ng alarm clock ang nagpagising sa masarap na pagkakatulog ni Marya. Dahil sa inis niya'y inabot niya ang ngumangawang aparato na nasa ibabaw ng kaniyang bedside table at ibinato iyon sa pader ng kaniyang kuwarto. Nang hindi pa rin iyon tumitigil ay kinuha niya ang kaniyang unan at itinakip iyon sa kaniyang mukha at tainga. "Ah! Isturbo." inis na daing niya habang iniinda ang kirot sa kaniyang sintido. "Gumising ka na raw kasi diyan." Boses iyon ni Handa na kapapasok lamang sa kaniyang silid. Tinanggal ni Marya ang unan sa kaniyang mukha at inaantok na tiningnan ang kaibigan. "Buenos días señorita! Magtatanghali na po, wala ka pa po bang balak na bumangon?" tanong nito at dinampot ang pobreng alarm clock at pinatay iyon bago muling ibinalik sa ibabaw ng lamesa. "Wha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD