MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Marya sa ere bago niya tiningnan muli ang binatang nakaupo sa tabi niya. Kasalukuyan silang nasa Park na nasa malapit lang sa kaniyang coffee shop. Pinuntahan siya ni Uran dahil gusto raw siya nitong makausap. "Um, aalis ka?" tanong niya rito. Bahagya namang tumango ang binata. "Yeah! I'm going back to Madrid." sagot nito. "¿Por qué?" Nagkibit ito ng mga balikat. "Business matters." "Magtatagal ka roon?" "Not sure! Maybe a couple of months. I mean, wala naman akong gagawin dito." saad nito. Nagbaling din ito ng paningin sa dalaga mayamaya. Bahagya itong ngumiti nang magkasalubong ang kanilang mga mata. "Wala naman na akong hihintayin na date." dagdag pa nito. Mabilis na nag iwas ng paningin niya si Marya dahil sa sinabi nito. Still, she