"HEY! Where have you been?" nakatinging tanong ni Judas nang makita nito ang dalaga na naglalakad sa pasilyo. "I was looking for you!" dagdag pa nito nang tuluyan ng makalapit sa kaniya si Marya. "Um, pinuntahan ko lang ang mga bata. Nagpaalam lang ako sa kanila." anito. "Ah! Akala ko nauna ka ng umuwi." pagbibiro pa nito. Napaismid naman si Marya. "Paano naman ako uuwing mag-isa e wala naman akong sasakyan?" "May taxi sa labas. Ano'ng malay ko!" kibit-balikat na saad nito. "Ewan ko sa 'yo." saad na lamang nito at nilagpasan na ito. Naiilang na naman kasi siya sa klase ng mga ngiti nito sa kaniya ngayon. "Kidding." nakangiti pa ring saad ni Judas at kaagad na napasunod sa dalaga. "Ate Marya!" tawag nang dalawang bata sa dalaga. "Oh! Angel, Marco?" "Uuwi na raw po kayo sabi ni k