BAHAGYANG itinulak ni Marya sa dibdib si Judas upang ilayo ito mula sa kaniya at putulin ang halik na iginagawad nito sa kaniya. Ngunit sa halip na bitawan siya ng binata ay mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakapulupot ng braso sa kaniyang baywang maging ang pagkakahawak sa kaniyang batok. Mas lalo pa nitong siniil ng halik ang kaniyang mga labi. Wala sana siyang balak na tumugon sa halik nito sa kaniya; ngunit traydor naman ang kaniyang damdamin. Traydor ang kaniyang mga labi at kusa iyong gumalaw. Mula sa dibdib ni Judas, umangat ang kaniyang mga braso at ipinulupot iyon sa leeg ng binata. Siyang naging dahilan upang gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Judas sa gitna ng halik na kanilang pinagsasaluhan. Mas lalo pa nitong pinag-igihan ang pag angkin sa kaniyang mga labi. "Mmm!" mahina