MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Marya pagkuwa'y binalingan ng tingin ang binatang nasa tabi niya. "What?" mataray na tanong niya nang muli niya itong mahuli na nakatingin sa kaniya. Mabilis namang nag kibit ng kaniyang mga balikat si Judas. "Nothing." anito. "Nothing? E, kanina ka pa nga panay tingin diyan." "Why? Is it bad?" magkasalubong ang mga kilay na tanong nito. "Yeah! Lalo na't naiirita ako diyan sa bastos mong mga mata." asik nito 'tsaka muling ibinalik ang paningin sa unahan ng kaniyang sasakyan. Si Judas naman ang napabuntong-hininga ng malalim dahil sa mga sinabi ng dalaga sa kaniya. Napailing pa ito ng sunod-sunod bago ibinaling ang paningin sa labas ng bintana. Well, hindi niya naman ito masisisi kung bastos nga ang tingin nito sa kaniya. Kasalanan niya