NAPANGITI ng malapad si Marya nang mas lalong higpitan ni Judas ang pagkakayakap nito sa kaniya. Isinubsob pa nito ang mukha sa kaniyang leeg. Pareho silang nakaupo sa telang nakalatag sa buhangin. Nakatanaw sa malawak at madilim na karagatan. Nakaupo sa likuran niya si Judas habang nakasandal naman siya sa matipuno nitong katawan. Hanggang ngayon ay nagdidiwang pa rin ang kaniyang puso dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa gabing iyon. Parang ayaw pa ring mag sink-in sa utak niya ang katotohanang nagkaaminan na sila ng feelings nila ni Judas sa isa't isa. Na kagaya niya ay may nararamdaman din pala ito para sa kaniya. "L'amour." mahina ngunit malambing na sambit ni Judas. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ni Marya. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at banayad na nagpakawala