CHAPTER 42

1992 Words

"MARYA!" Mabilis na pinunasan ni Marya ang luha sa kaniyang mga pisngi nang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at iniluwa roon si Handa. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere bago tinapunan ng tingin ang kaibigan. "Hey!" nasa mukha ni Handa ang pag-aalala para kay Marya. Naglakad ito palapit sa puwesto ng kaibigan. "You okay?" tanong pa nito. Tumango naman si Marya bilang sagot dito. Pero mababakas naman sa hitsura, lalo na sa mga mata nito na hindi talaga ito okay. "I saw him! Mukhang galit! What happened?" Tumayo sa kaniyang puwesto si Marya 'tsaka nagparoo't parito ng lakad. "Hindi pa rin nag babago ang isipan niya Handa." aniya. "Seven years! Seven years Handa pero iyon pa rin ang concern niya. Negosyo niya pa rin ang mahalaga sa kaniya kaysa sa amin ni mama.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD