"OH! BAKIT bigla kang bumalik?" nagtatakang tanong ni Handa nang makita nitong pumasok sa coffee shop si Marya. Isang malalim na buntong-hininga lang naman ang isinagot sa kaniya ng kaibigan 'tsaka ito nagtuloy ng lakad patungo sa kaniyang opisina. "Martin... ikaw nga muna ang tumao rito sa counter." anang Handa sa lalake. "Okay po ma'am Handa." Kaagad na hinubad ng dalaga ang suot na apron at sinundan si Marya sa office nito. Pagkapasok niya roon ay nadatnan niya itong abala sa pag pirma nang mga papeles. "Are you okay?" kunot ang noo na tanong niya. "Huh?" nang mag angat ng mukha si Marya. "Y-yeah! Why? May kailangan ka ba?" tanong nito at muling ibinalik ang paningin sa ginagawa. "Nothing." naglakad ito palapit sa visitor's chair at doon pumuwesto habang mataman pa ring nakatitig