PAHIGA na sana si Marya sa kaniyang kama nang makarinig siya ng katok sa labas ng kaniyang silid. Kunot ang noo na naglakad ito palapit sa pintuan upang pagbuksan ang tao roon sa labas. Mas lalong nangunot ang kaniyang noo nang mapagbuksan niya ng pinto si Judas. Malapad ang pagkakangiti nito sa kaniya. May bitbit pang unan. Mayamaya'y walang paalam na bigla itong pumasok. "W-what are you doing?" nagtatakang tanong niya sa nobyo. Kaagad namang humiga sa kama ang binata. "I will sleep here!" sagot nito. Halos mag-isang linya na ang mga kilay ni Marya habang nakatingin ito ng seryoso sa binata. Tumayo ito sa may paanan ng kama. "And who told you to sleep here? You have a room!" aniya. Umangat ang ulo ni Judas mula sa kaniyang unan upang tingnan ang dalaga na ngayo'y nakapamaywang ng na