"KUMAIN ka lang hija. Huwag kang mahihiya." nakangiting saad ng Don Demetreo sa dalaga nang muli niya itong tapunan ng tingin. Magkatabi sa hapag sina Judas at Marya, samantalang nasa kabisera naman ang Don. "Um, actually busog pa po kasi ako e!" saad ni Marya sa matanda. "No! Actually she's on her diet that's why." mabilis na singit ni Judas at ngumiti pa sa dalaga nang balingan niya ito ng tingin. "To be honest, ayoko ngang nag d-diet ka e! Look at yourself... sobrang payat mo na!" kunyari'y nag-aalala pa itong tiningnan ang katawan ni Marya. Lihim na nagpakawala naman ng buntong-hininga ang dalaga pagkuwa'y binitawan ang hawak na mga kubyertos. "Come on baby, just eat. Alam mo namang ayokong nagugutom ka." muling saad nito at biglang kinuha ang lalagyan ng kanin. Nilagyan nito ang