MULING nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Marya habang nakatayo siya sa gilid ng Yate at nakatanaw sa malawak na karagatan. Yakap-yakap niya ang sariling mga braso habang nililipad ng malakas na hangin ang kaniyang buhok. Nilalamig man dala sa hangin na nanggagaling sa karagatan, tiniis pa rin ni Marya ang kaniyang sarili. Wala siyang balak na pumasok sa loob ng Yate kung alam naman niyang makikita niya na naman doon ang maarteng Sakura na iyon. Wala ng ibang ginawa ang babaeng 'yon simula kanina kundi ang dumikit at lumingkis kay Judas. Naiinis talaga siya! Muling siyang napabuga ng malalim na paghinga pagkuwa'y ikinuskos niya ang mga palad sa kaniyang braso. Nilalamig na talaga siya. Kung bakit kasi naisipan pa niyang hubarin kanina ang suot niyang t-shirt! Kasalanan nang Sak