PAREHONG tahimik na kumakain si Judas at Marya. Tanging ang maririnig lamang sa pagitan nila ay ang mga tunog nang kubyertos na kanilang ginagamit at ang kaunting ingay na nagmumula sa ibang tao na naroon din sa loob ng kainan na iyon. Paminsan-minsan ay palihim na sinisilip ng dalaga ang binatang nasa harap niya. Kagaya niya'y seryoso ito at nakatuon ang buong atensyon sa pagkain. Mayamaya ay biglang nag angat ng mukha si Judas at nahuli nito ang dalaga na nakatingin sa kaniya. Mabilis pa sa alas kuwatrong gumuhit ang ngiti nito sa mga labi. Binitawan nito ang hawak na mga kubyertos at dinampot ang napkin na nasa kandungan niya at pinunasan ang kaniyang mga labi. "I knew it. Nagagwapohan ka sa 'kin." kumpiyansang saad nito at mas lalo pang lumapad ang pagkakangiti sa dalaga. Marya's ey