NAKAPIKIT ang mga mata ni Marya nang maramdaman niyang unti-unting lumayo ang mga labi ni Judas sa kaniyang mga labi. She can't open her eyes! Siguro dahil sa ninanamnam pa rin niya ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa. Ang malambot nitong mga labi. O baka siguro nahihiya lamang siyang tingnan ang binata dahil sa halik na ginawa nito na tinugon naman niya. Sa pangalawang pagkakataon ay natikman niyang muli ang mga labi nito. Bahagya napaiktad si Marya nang maramdaman niyang dumapo sa kaniyang pisngi ang palad ni Judas. Masuyo iyong humaplos doon. "Marya!" mahinang sambit nito sa pangalan ng dalaga habang mataman siyang nakatitig sa nakapikit nitong mga mata. "Open your eyes!" aniya. Ngunit nanatili lamang nakapikit ang dalaga. "Look at me." "No." umiling pa ito. "Why?" "Nahihiya a