"ARE you leaving?" tanong ni Marya kay Handa nang lumapit sa kaniya ang kaibigan. Bitbit na nito ang kaniyang bag. "Yeah! Kailangan kong umuwi ngayon sa bahay e! Wala pa kasi si mama. Tapos may emergency ang kasambahay namin kaya walang kasama si papa ngayon doon." paliwanag nito. "Okay lang ba?" dagdag na tanong nito. "Yeah sure!" anito. "Wala ka bang importanteng lakad ngayon?" "Well, um... w-wala naman. I mean, hindi naman masiyadong importante." kibit-balikat na sagot nito. May date sana sila ni Uran mamaya. Pumayag kasi siya kanina sa alok nitong date dahil alam naman niyang wala siyang ibang gagawin pagkalabas niya ng coffee shop bandang alas sais y medya ng gabi. Pero dahil kailangang umuwi ni Handa ng maaga; wala siyang ibang choice kundi ang maghintay hanggang alas dyes ng ga