"MA'AM MARYA!" Agad na natigil si Marya sa paglalakad sa pasilyo ng Hotel nang marinig niya ang boses ng isang lalake na nagmamadaling lumapit sa kaniya. Kunot ang noo na tiningnan niya ito. Oh yeah! Ang tauhan na naman ni Judas. "Mabuti po at nandito na kayo." anang lalake nang tuluyan na itong makalapit kay Marya. Nagpakawala pa ito ng malalim na buntong-hininga 'tsaka ngumiti. "What?" mas lalong nangunot ang noo ni Marya. "A, wala naman po ma'am." anito. "Kumusta po pala ang lunch ninyo?" dagdag pang tanong nito. "Fine!" tipid na sagot niya. Nagtataka lang siya sa lalakeng ito. Kanina pa kasi itong basta-basta na lang sumusulpot sa paningin niya. Kanina habang nasa restaurant siya ay bigla rin siya nitong nilapitan at pinalabas sila ni Brix sa kainan na iyon. Ang sabi ay magsasar