SERYOSONG nakatitig lamang si Handa kay Judas habang hindi pa rin umaalis sa kaniyang kinatatayuan. Ang binata nama'y nakahawak pa rin sa kaniyang pisngi na hanggang ngayon ay nangangapal pa rin dala sa malakas na pagkakasampal sa kaniya ng dalaga. "Why did you slap me?" kunot ang noo na tanong nito. Hindi siya makapaniwala na basta-basta na lamang siya nitong sinampal kanina. "Dahil binastos mo ang kaibigan ko. Kaya tama lang 'yan sa 'yo." anang Handa at namaywang pa kasabay ng paglipad sa ere nang isang kilay niya. "What?" anang Judas at mas lalo pang nangunot ang noo. Mabilis itong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga kasabay ng pag-iling ng sunod-sunod. "Jesus! Hindi ko siya binastos—" "Talaga ba?" anito dahilan upang maputol ang pagsasalita ng binata. "Kung hindi mo binastos