"HI!" Abala sa ginagawang trabaho si Marya nang may isang boses ng lalake ang umisturbo sa kaniya. Kaagad siyang napalingon sa kaniyang likuran. Ang nakangiting mukha ni Uran ang bumungad sa kaniya. "Uran!" aniya at mabilis pa sa alas kuwatrong sumilay ang ngiti para sa binatang ngayo'y paupo na sa high chair na naroon sa gilid ng counter. "Hi!" bati nitong muli sa dalaga. "How are you?" "Um, okay naman!" sagot nito. "By the way, sorry ulit tungkol kagabi. I—" "No! You don't have to say sorry." agap ni Uran sa iba pang nais sabihin ni Marya sa kaniya. "Mabuti nga't hindi tayo natuloy because I'm sure hindi natin mai-enjoy ang date natin." saad nito. "I mean, plano sana kitang dalhin doon sa kabubukas lang na park malapit sa place ko. Good thing na hindi tayo natuloy, kung hindi para t