HINDI na hinintay ni Marya na makaikot sa gawi niya si Judas upang pagbuksan siya nito ng pinto. Pagkabukas niya sa pintuan ng sasakyan ay kaagad siyang umibis doon. Napatingala pa siya sa mataas na gate. Holy Trinity Home for Children. Kunot noo siyang napatingin sa direksyon ni Judas. "What are we doing here?" tanong niya na mababakas pa rin sa mukha ang pagtataka. Saglit na ngumiti si Judas 'tsaka naglakad palapit sa dalaga. Isinuot nito ang hawak na ray-ban. "Let's go inside para malaman mo." saad nito at walang paalam na hinawakan sa palad si Marya at iginiya na ito papasok sa bumukas na gate. Wala namang nagawa si Marya kundi ang mapatingin na lamang sa mga kamay nilang magkasalikop na naman. As she always felt when Judas' skin was touches to hers, naroon na naman ang pakiramdam n