KABANATA 1

1028 Words
SUNOD-SUNOD ang labas naming magkakaibigan matapos ng gabing iyon. Birthday ni Sandler, iyong boyfriend ni Stacy na isang businessman. We celebrated it in Royal Night Club. Exclusive for his birthday ang gabing iyon kaya lang marami pa rin dahil sa mga kakilala ni Sandler. Artista at mga modelo agad ang tumambad sa akin pagpasok sa loob. As usual nahuli ako dahil galing pa kong Batangas. We had a formal family dinner at humabol lang ako ngayon dahil hindi papayag si Stacy na hindi kami kumpleto. "Hi, Sofy!"  Natigil ako sa paglalakad para sa ilang bati at bumeso pa sa kakilala. "Galing kang Batangas? You're late, eh!" puna ng baklang kaibigan namin ni Stacy.  Tumango ako matapos makipagbeso. Nagdirediretso ako sa table ng mga kaibigan. Marami sila pero nahagip ng mga mata ko ang talk of the town couple na si Axel at Mary Anne. I find them really irritating. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nararamdaman ko at tumitindi pa sa tuwing nakikita silang parang kulang na lang gumawa ng himala sa upuan. "Go get a room, Axel!" biro ng lalaking modelo na kaibigan din nila.  Hindi ako nakikisali kahit na magkakasama kami sa table. Nasa kabilang couch sila habang katabi ko sila Megan. Bago ang boyfriend ni Stacy at connected siya kila Axel dahil businessman din ito. Kaya ngayon napasama na kami sa barkada nila. But for now lang 'yan. Kapag ayaw na ni Stacy iba na naman ang sasamahan naming tatlo. Humalakhak lang si Axel pero namumungay na ang mga mata at ganoon na rin ang girlfriend niya! Oh my god! Tama nga siguro na lumayas na sila ano. Naturingan na school teacher pero bakit ganyan? I don't wanna judge her pero 'di ba? Teacher should set an example. Lalo na license teacher siya. Napahilot ako sa sentido. Hindi ako nakikiusosyo sa lovelife ng iba pero ewan ko bakit iritang-irita ako simula ng hindi na natigil ang mga kaibigan ko sa kakabanggit sa pangalan nilang dalawa. Kaso himalang tahimik ang tatlo ngayong kasama namin ang paboritong topic nila. Maybe because they're with their boyfriends. "Happy birthday to you!"  We all cheered and clapped our hands after we greeted Sandler. Nasa tabi niya si Stacy at game na game ng magwala na naman ngayong gabi. Hinatak ako ni Megan papuntang dance floor. Naibaba ko tuloy ang hawak kong wine glass. Isa-isa lang nagpuntahan doon matapos ang kantahan sa lamesa namin.  "If you don't want other guys to hook up with you. Better join us in the dance floor!" bulong niya at kahit malakas iyon ay alam kong hindi naintindihan ng iba dahil sa lakas ng speaker lalo na nag-uusap-usap din naman ang iba. Ayoko ng mga lalaking dumidikit-dikit sa akin. Iyong isa parang gay sa sobrang linis tignan. Baka tulad din 'yan noon na may balak manligaw sa akin 'yon pala pang front lang niya para hindi siya mapagkamalang bading! Iyong isa naman mukhang manyakis. I don't like the way he looks. Parang tinitignan pa lang niya ako kinikilabutan na ako. "You always find a way to dislike them!" puna ni Cassy dahil sa lalaking dumidikit sa akin kanina. Halata nila sa mukha kong ayaw ko sa mga 'yon. Nasa dance floor na kami at sumasabay na rin ako sa tugtog. Kaunting galaw ng balakang at balikat. I can dance but with elegance. Nagtatawanan kaming tatlo habang tinatanaw si Stacy na nakikipaghalikan na sa bagong boyfriend nito. Iyong boyfriend ng dalawa kong kaibigan naiwan sa table dahil ayaw nilang isama. But the way they gawking at my friends, as if this is the last time they'll dance on the dancefloor. "Bumalik na kayo! May nagagalit!" Natatawa kong sabi.  Umiling ang dalawa at nagtawanan. Nagbiro pa si Megan dahilan para bumungisngis ako pero nanatili pa rin kami doon. Mas lumakas ang electro music. May dumaan na waiter kaya nakakuha ng inumin si Cassy at binigyan kami tig isa ni Megan. "Cheers!" sigaw namin at nagpatuloy sa pagsasayaw. Tumingala ako at pumikit habang sumasabay sa indak ng music. Kumunot ang noo ko ng may naramdamang malapad na dibdib sa likod ko at narinig na ang tilian ng mga kasama ko. Napadilat ako bigla. "Go, Sofy!" kantiyaw ni Cassy at may ibig sabihin na ang bawat tingin. Humalakhak si Megan at hinatak palayo si Cassy para iwanan ako! Natigil ako sa pagsayaw at nilingon ang matangkad na lalaking nasa likod ko. Amoy na amoy ko ang alak sa kanya. Namumula at namumungay ang mga mata. If I'm not mistaken, he's a Thailander model. Nakita ko na siya sa billboard and TV commercials. "Hi, I'm Somchai..." namamaos niyang sabi sabay abot ng kamay. Kami lang dalawa ang natigil sa gitna dahil nagpakilala pa siya. Nakagat ko ng mariin ang labi. Ang gwapo niya. Matangkad at matikas ang tindig pero huwag mo lang pagsasalitain. Sorry but I got turn off because of his voice. I smiled and accepted his handshake. "Sofia," sagot ko at mabilis na kinuha ang kamay kahit parang ayaw niyang pakawalan. Magsasalita pa sana ito kaya lang inunahan ko na. "Uh, nice to meet you, but I'm gonna check my friends, okay?" sabi ko at hindi ko na siya binigyan ng chance magsalita at baka hindi ako makaalis doon dahil sa kanya. Hinanap ko 'yong dalawa pero nakabalik na sa table namin. "He's a good catch!" ani ni Megan. "Gosh, you're so picky," reklamo ni Cassy. Inirapan ko sila matapos kong bumalik sa table namin. Pinapanuod na pala nila kami at natatawa na lang si Stacy habang nakakandong kay Sandler. Napasulyap ako kay Axel na nakatingin sa akin habang sumisimsim ng alak at nakikinig sa bulong ng girlfriend niya. Hindi ko alam kung seryoso siya sa paninitig sa akin o dahil iniintindi niya iyong binubulong ng girlfriend niya. "Ayoko. Kinikilabutan ako sa boses niya," sabi ko at kinuha ang wine glass na iniwan ko kanina. Nagtawanan silang naroon at sinisilip na iyong Thailander model na nasa kabilang table. Kakilala din ni Sandler iyon kaya nandito. "Just don't mind his voice. Somchai is a nice guy." Nakangising sabi ni Sandler. Ngumuso ako at mula sa gilid ng aking mga mata ay ramdam ko ang paninitig ni Axel sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD