1st day
I patted my feet nervously on the floor as I wait for the elevator. I am 5 minutes early but still this is my first day in my first ever job. At least I should be 30 minutes early pero dahil nga sa Pilipinas ito at Lunes ngayon, kaya matraffic at siksikan ang MRT not to mention na halos ithirty minutes akong pumila para makabili ng MRT card. Hindi ko naman kasi inakala na ganito kahaba ang pila para lang makabili ng card. Nasanay kasi akong nilalakad lang ang school mula sa boarding house ko.
At ayaw kong late ako pag-apak ko sa Department kung saan ako naka assign. Dumadami na din ang nakapila and luckily nasa harap ako.
Ting!
Nagbukas din sa wakas ang elevator. I breath a sigh of relief at agad na pumasok sa elevator. Nasa pinakalikod ako at may mga tao sa harapan ko. The elevator was about to close nung may biglang pumigil kaya bumukas ulit. Medyo nairita ako sa paimportanteng taong pumasok at medyo naiipit ako kasi umuurong ang ibang tao para bigyan ng space ang papasok. Na curious naman ako kung bakit ganun ang reaksiyon ng mga tao kaya napatingin ako and my breathing suddenly stopped when I saw the face of the person na kakapasok lang sa elevator. My heart constricts and automatically nagtago ako sa likuran ng tao sa harap ko.
I was biting the inside of my lower lip at yumuko ako at the same time praying na sana hindi ako makita ng taong kakapasok lang sa elevator. And as I did all those things memories came flooding back to me.
Memories of my not so better past.
Memories of Cloud Elexier Tan.
4 years ago…
“Bitiwan mo ako Cloud!” Hinablot ko ang braso ko na hawak niya. He is practically dragging me out of the bar and people are staring at us.
“I specifically told you not to go. Sinabi ko sayong hintayin mo ako kasi sasamahan kita at wag kang sumama sa mga classmates mo pero anong ginawa mo? At ano ngayon ang nangyari? Kung hindi ako dumating God knows kung ano na ang nangyari sayo Ayr!” Ahhhh..Galit na nga siya. Ayr na ang tawag niya sa akin eh.
“Eh di salamat sa pagdating sa tamang panahon! For saving my ass back there. At salamat din at nagkaroon ka ng oras sa wakas para sa akin. Makakahanap ka naman pala ng oras kung gugustuhin mo!” I matched his glare. Kung galit siya, galit din ako! And I will not back down easily. Hindi alng siya ang may temper.
Sinuklay niya ang buhok niya in frustration.
“Babalik na naman ba tayo dyan? Ang problema sayo di ka makaintindi. Pinapairal mo ang pagiging childish at ang pagiging spoiled brat mo! Nagcoconclude ka ng hindi mo inaalam ang lahat at hindi ka naniniwala sa kahit anong explanation ko. Hindi pwedeng ganyan Ayr! Alam mong madami akogn trabaho sa opisina.” Oo nga naman. Ilang beses na ba namin pinagtalunan ang tungkol sa kakulangan niya sa oras sa akin sa pati sabado at linggo hindi kami nagkikita. Yun ang hindi ko maintindihan kasi nung bago pa lang kami, he always finds time to see me pero ngayong mahigit 1 year na ang relasyon namin padalang na padalang ang pagkikita namin. At naiinis ako sa ganun.
“Ang problema sa’yo, hindi mo inaalala ang damdamin ko. Girlfriend mo nga ako pero di ko naman nararamdaman. Mas marami ka pang time sa trabaho mo, sa office affairs mo, at sa mga babae mo sa opisina kesa sa akin! Sabihin mo lang kung ayaw mo na at nang magkaalaman na!” naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko pero wala akong pakialaam.
Wala na din akong pakialam sa mga taong nakakasaksi sa sigawan namin sa parking area ng bar.
“Kaya ba sumasama ka na lang kahit na kaninong lalaki? Kaya ba kung makadikit ka sa kanila para ka ng linta? Sinabi ko nang ayaw kong sumasuma ka sa mga lalaki lalo na pag kasama mo si Andrew na yun. Alam mong may gusto sayo yung tao pero instead of turning him down, you are leading him on.” Gusto ko siyang sampalin sa mga pinagsasabi niya. How dare him accused me of that. Para na din niyang sinabing nilalandi ko si Andrew!
“ Anong masama kung sasama ako sa mga kaibigan ko? Andrew is my friend and it’s not as if ako lang mag isa ang kasama nilang babae. Madami kami for your information!”
“Walang masama kung sana hindi mo hinahayaan na tsansingan ka nila. Kung hindi mo hinahayaan na hawak hawakn nila ang legs mo. But what? Magkatabi pa kayo ni Andrew sa upuan habang inaakbayan ka niya and the other guy is holding your legs.” Nagulat ako sa sinabi niya. Uu nga at magkatabi kami ni Andrew but hindi siya nakaakbay sa akin. Nakalagay ang braso niya sa armrest ng sofa but his arms are not touching me. As for the guy na kamo humahawak sa legs ko, wala akong pakialam kasi bading naman yun at mas babae pa sa akin. Obviously nagconclude lang siya bigla based sa nakita niya at bigla na lang akong kinaladkad palabas ng bar! The nerve! And I would never correct him.
“Sinasabi mo bang ginusto ko yun?”
“Kung di mo yun ginusto sana nagalit ka na! Pero ano? Nakangiti ka pa! Alam mo ba ang sinasabi nila? Napakalandi ng gf ko!” Doon na nagpanting ang tenga ko. Nanggaling na mismo sa kanya ang salitang yun. I gritted my teeth.
“Ahh ganun! Mas iniintindi mo pa ang sasabihin ng iba. Afterall, it all boils down to that. Ganun din ba ang tingin mo sa akin?
Ohhh..nevermind. Bakit pa ba ako nagtatanong eh totoo naman yun. Kung ayaw mo ng malanding gf eh di maghiwalay na lang tayo at maghanap ka ng matinong gf.” Hindi ko alam pero naiiyak ako nung sinabi ko yun. Nainsulto ako sa mga sinasabi niya. Nadisappoint ako na pati pala siya mababa ang tingin sa akin. At inaamin ko, nasasaktan ako.
Pero mas nasaktan ako sa sumunod niyang sinabi..
“Mas mabuti pa nga! I am so tired of having a childish and immature girlfriend.” Saglit akong di makapagsalita. Na shock ang buong sistema ko na ganun lang kabilis niyang tinanggap yun. Pati ang luha ko umurong. I blink plenty of times para hindi tumulo ang luha ko at pinilit kong I control ang emosyon ko.
“ Ikaw lang ba!? Ako I am tired of having an asshole of a boyfriend. Napakainsensitive mo pa! I don’t need a boyfriend like you! “ I hissed at him. Childish? Immature? What the f**k! After more than a year yun ang maririnig ko sa kanya? f**k You Cloud Elexier Tan. f**k you!
“Asshole?”
“Oo! Ganun ka! Di mo alam? Pinagtitiisan na lang kita. Kung ayaw mo sa akin mas ayaw ko na din sayo. Akala mo naman kung sino kang pogi! Tse! Wag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan! Baka masuka lang ako pag nakita ang pagmumukha mo. Gurang!”
Tapos tumalikod na ako at tumakbo pero nahirapan ako dahil mataas ang heels ko.
Paksyet.
Kaya iniwan ko na lang ang sapatos ko para makatakbo ako ng mabilis. Baka kasi pag naabutan niya ako makita niya na hindi na tumitigil ang luha ko sa pagtulo. Ayaw ko ng ganun. Ayaw kong makita niya akong ganito kahina.
Agad akong pumara ng taxi at nung nakasakay na ako nakita ko siyang pinulot ang sapatos ko.
Cinderella eh?
I snorted.
Because I know that I am not Cinderella and tonight is the end of my fairytale and my happy ending.
-end of flashback
Ting!
Nagulat ako nung magbukas ang elevator sa 8th floor tapos may bumaba. Nasa 20th Floor ang Department namin and I pray na sana mauna siyang bumaba para hindi niya ako makita.
Pero dahil malas ako ngayong araw umabot sa 20th Floor na na hindi pa siya bumababa and worst mag isa lang akong lalabas. At dahil nasa pinakadulo ako, kailangan kong mag excuse sa mga nasa unahan ko.
“Excuse me.” Mahina kong sabi pero narinig naman nila kaya tumagilid sila pero yung sa harap kailangang lumabas kasi nga masikip. Kasama siya sa mga lumabas para bigyan ako ng daan. Nakayuko akong lumabas and from my peripheral vision, I saw him na kinakalikot ang cellphone niya.
Please don’t look up.
Please don’t look up.
Tiningnan ko siya to make sure na hindi siya nakatingin sa akin.
And the odds were not on my favor dahil nung nakalabas na ako at papasok na siya ng elevator nagdikit ang mga braso namin at para akong kinuryente causing him to look up at tingnan ako.
Napigil ko ang hininga ko when our eyes met.
fuck!
Napamura ako when I saw recognition in his face.
Dali dali akong tumalikod at halos lumipad na ako para alng makalayo sa elevator. I can still feel his eyes boring on my back habang papasara ang elevator.
Paksyet!
Sana nagkamali lang ako.
Sana hindi niay ako nakilala.
And mas better kung hindi talaga si Cloud yun.
Pero May, sino ang niloloko mo?