Third Day

1400 Words
Hindi ako lumingon nung tinawag niya ako. Dirediretso lang ako papunta sa Department namin at nagbingibingihan. Kasama na din ang pagkukunyaring hindi ako ang tinawag niya. Nagpapasalamat na lang ako at hindi kami iisa ng Department.  “Ma’am May tawag ka sa taas.” Sabi sa akin isa sa mga Section Managers. Pag sinabing sa taas, ibig sabihin sa office of the President na nasa 25th floor. Buong floor occupied ng office niya kasama na din ang board room,  office of the Board of Directors at ang dalawang  conference room .  First time kong makakaharap ang President at medyo kinakabahan ako. Ang alam ko lang mabait naman daw siya . Ang nag interview lang kasi sa akin ay ang VP- for Finance na siyang pinakaboss ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako umakyat. I inhaled and exhaled para kumalma ako.  Pagkadating ko sa 25th floor, ngumiti agad sa akin ang receptionist.  “Hi Shane, pinapatawag daw ako ni Miss Elly?” Ngumiti ako kahit na kinakabahan ako. “Oo. Pero hindi si Miss Elly ang nagpatawag sayo. Nakaleave kasi siya kaya si Sir muna ang nag assume ng post niya. Sige pasok ka na.” Binuksan niya ang pinto sa pinakaoffice ng President. Huminga muna ulit ako ng malalim bago pumasok.  “Sir, Miss Dominguez is here.” Tawag ni Shane sa tao na nasa likod ng desk at nakaupo sa swivel chair na nakatalikod sa amin at naharap sa glass wall.  Hindi nagsalita ang nasa likod ng desk. Pero si Shane, nag excuse sa akin at lumabas na ng pinto at  isinara ang pinto. “Good morning sir.”  “Good Morning Ms. Dominguez.” Tapos umikot ang swivel chair at parang tinuka ako ng ahas nung nakita ko kung sino ang nasa likod ng President’s desk. No other than Mr. Cloud Elexier Tan. Nakatingin lang ako sa kanya. Siya, nakatingin habang nakasmirk sa akin. Oo nakasmirk, hindi nakangiti.  I compose and reminded myself to be professional. Kung ano man ang nararamdaman ko sa mga oras na ito dapat kong ipasantabi.  “You called for me Si-Sir?” Hindi ko pa din mapigilang mag stammer despite sa pagpipilit kong kumalma.  “I’ll go straight to the point Ms. Dominguez, I don’t know how my sister hire the employees here, but I don’t agree that a newly graduate should given the post of a Section Manager.” Walang ka-emo-emosyong sabi niya. Nagulat ako. Kinukwestiyon niya ang kakayahan kong humawak sa posisyong meron ako ngayon? Did he even look up my credentials? “I don’t know what did you do to obtain that position but as the CEO of this company, it is my job to make  sure that we only hire competent people.” Sinasabi ba niyang incompetent ako? Is he underestimating my capability to handle such position? How dare him! Huminga ako ng malalim at nagbilang ng hanggang sampu para kalmahin ang sarili ko.  May, isipin mo na lang boss mo siya at siya ang nagpapasahod sayo kaya huminahon ka.  Bumuntonghininga ulit ako.  “Sir, if you have issues on my competence or lack thereof, I believe you have to discuss it with Ma’am Elly since she’s the one who hired me. “  I said calmly kahit sa kaibuturan ng pagkatao ko gustong gusto ko na siyang hampasin ng marble nameplate na nasa harapan niya. Arrogant bastard. He looked at me thoroughly as if examining every bit of me. Kung dati pag tinitingnan niya ako ng ganyan todo blush na ako, ngayon I am seething with rage. Rage nga ba?  “Are you questioning my judgement Miss Dominguez?” He asked quizically.  “No Sir. Of course not. Who am I to question your judgement? I am merely an employee of this company, you are the CEO and I am well aware that you have MORE and PLENTY of experience to back up your judgement. “ I said in a sarcastic tone pero nanginginig na ang tuhod ko. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin pagkatapos ng pag uusap naming ito.  “Are you being sarcastic Miss Dominguez?” Of course he knew when I am being sarcastic. He knows my patronizing tone dahil isa yun sa mga bagay na pinupuna niya sa akin dati. What’s his exact words before? ‘You are so sarcastic to the point of irritation.’  “No SIR, I wouldn’t dare be sarcastic in front of you.” Kulang na lang mag smirk ako. Hindi na talaga ako natuto. Have I forgotten how smart this person is? How deadly his tongue? Literally and figuratively. Parang nag init ang pisngi ko sa naalala ko which I abruptly erased. Ano ka ba May? You’re in the middle of a war yet, kung ano ano ang iniisip mo.  He looked at me again at sinalubong ko ang tingin niya. Nagsukatan lang kami ng tingin.  “Still as tactless as before May Ayr Dominguez.” I raised my eyebrow by his comment. Tama ba ang naiisip kong naaalala niya nakaraan namin?  “Still as judgemental as before Cloud Elexier Tan.” It his time now to raised eyebrows. Sino ba naman kasing sira ulong empleyado na makipagsagutan sa CEO ng company? Talaga May, gusto mo talaga atang masisante.  “Do you know that I have the power to fire you anytime?” Sabi pa niya at hindi nakaligtas sa akin ang threat sa boses niya but now is not the time to back down and be threatened.  “I am well aware of that fact SIR, and I cannot do anything if you have decided to fire me but on the other hand… for sure you have also heard of the term illegal termination.” Ang kapal ng mukha mo May. Sigaw ng isang bahagi ng utak ko. Tama ba namang i-threaten ang CEO? You are really out of your mind May Ayr Dominguez.  Naningkit lalo ang singkit niyang mga mata. Sigurado ako na sa buong panahon niyang pamamalakad sa negosyo na to ngayon lang siya nakarinig  ng threat ng harap harapan mula sa isang empleyado.  “You always leave a lasting impression Miss Dominguez.” He said  while tapping the pen on his table. Tapos nag isip siya ng ilang saglit.  “Very well then… I will not fire you but still I wanted to prove your competence. From now on, you will directly report to me. ” Napanganga ako sa narinig ko. f**k! Ano ang pumasok sa kukote niya? Ano ang pinaplano niya? Nasisiraan na ba siya ng ulo?     Pupwede ba yun? Ang isang Section Manager magrereport directly sa CEO? Hindi ba illegal yun?  Hindi agad ako nakapagsalita pero gustong gusto ko ng magmura. What kind of game are you playing Cloud Elexier Tan?  “Do you have any complaints Miss Dominguez?” There is a hint laughter in his voice and he is now smirking. The nerve of this old bastard. I wanted to hurl profanities at his face right now but I cannot do it dahil ayaw ko naman na yun ang gawin niyang rason para patalsikin ako. Pero…tangna lang! Tangna lang talaga. Kung sino pa iniiwasan mo, siya pa tong pinagduduldulan sayo.  Hindi pa din ako nagsalita.  “If you don’t have any complaints, then you can leave now.” Tapos tumalikod na siya sa akin. Bastos! Walang modo. Nangangati ang kamay kong kuinin ang letter opener at isaksak sa kanya.  At dahil nga obvious naman na dinismiss na ako, wala na akong magawa kundi ang lumabas sa office niya. Deep inside, I am seething with rage. Nag uunahan ang mga mura sa utak ko. I fonly… if only… Paksyet! Pinigilan ko dina ng sarili kong ibagsak ang pinto. Baka mabasag ko pa pag binagsak ko, hindi lang ako masesesante, magkakautang pa ako.  Hindi ko alam kung ano ang itsura ko paglabas ng office niya pero sinalubong ako ng secretary. “Ang pogi ni Sir noh? Ako nga nagbablush din pagkinakausap niya. Siya na talaga ang ideal man ko.” She said dreamily. Tiningnan ko lang siya ng masama. Oo nagbablush ako pero hidni sa kilig kundi sa galit. Ideal man?  “Hah!” Sabi ko na alng at para na din mapakawalan ang kanina ko pang iniipon na hininga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD