ALAS TRES pa lang nang madaling araw ay binulabog na si Joyce nang tawag mula sa kanyang boss. It’s f*cking three in the morning. Nasa ibang planeta pa ang kaluluwa niya pero heto at biglang nawindang at bumalik dahil sa boss niya. May sa bampira ba ito at hindi natutulog? O sadyang may sa maligno lang ito. According to some superstitious belief, three a.m. is considered as the “devil’s hour.” Ito raw kasi ang kadalasang oras nang paglabas ng mga maligno, multo, halimaw, demonyo sa mundo at sa mga oras na rin na ito mas marami ang kasalanan ng tao. Paniniwala lang naman iyon pero bakit parang naniniwala na siya ngayon nang dahil sa boss niya. “Devil’s hour” talaga ito dahil kay Rohan De Devil. Siraulo na ata talaga ito. “Sir? Ang aga nang tawag niyo ah? Nasa abroad ba kayo?” pupungas-pu