NEW YEAR’S EVE. Napagkasunduan nina Summer at Mark Anthony at ng kani-kanilang pamilya na sa dalampasigan na salubungin ang pagsalubong sa Bagong Taon. Bagaman at hindi kasama ng dalaga ang ama at kakambal, masaya pa rin naman siya dahil kasama naman niya ang lola at tiyahin at lalaking minamahal. Masaya rin siya para sa nobyo dahil kasama nito ang ina at kapatid. At nakita niya na unti-unti nang nagiging maayos ang relasyon ni Mark Anthony kay Monique. “Are you okay, hon?” masuyong tanong ng nobyo nang lapitan siya nito habang nakatingala siya sa kalangitan at dinadama ang malamig na paligid. Ilang minuto na lang at sasalubungin na nila ang Bagong Taon. Kaya may pailan-ilang fireworks na ang sumasabog sa kalangitan at kabi-kabila na ang mga paputok. Nakapaligid na rin sa kanila ang pa