“Sinasaktan ninyo ang anak ng langit. Lagot kayo…” nagbabantang sabi ni Isabel. Seryoso ang tingin niya kay Olga at kahit hindi para sa akin ang sinabi niya ay pakiramdam ko nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan naming lahat. Sumilay ang ngisi sa mga labi ni Isabel. Lumabas siya galing sa comfort room kung saan din kami galing ni Ellie kanina pero hindi ko siya nakitang nandoon. Hindi ko rin naman siya napansin na dumaan kanina. Malalaman naming lahat kung mayroong dadating dahil nandito kami sa mismong labas ng banyo para sa mga babae. Akala ko ay kami lang ni Ellie ang nasa c.r kanina. I really didn’t see her. “Hintayin ninyo. Parurusahan nila kayo…” Everything that is coming from her mouth brings chills through my whole body. Ano an