“Kailangan muna kitang iwan ngayon. Mami-miss kita ng sobra, best friend. Hindi ko kaya,” madramang sabi ni Ellie. Umakto pa siyang nagpupunas ng pekeng luha sa mata at sumisinghot na akala mo ay totoong umiiyak. “Lakas na naman ng trip mo. Mauuna ka lang umuwi kaysa akin. Magkikita pa rin naman tayo bukas. Akala mo naman ay malayo ang pupuntahan mo,” sagot ko naman agad sa kaniya. Kinatok ko ang noo niya. Napahawak naman siya roon at nagpapaawang tumingin sa akin. Nag-aayos ako ng gamit ko sa loob ng bag at lumapit siya sa akin. Akala ko kung ano na naman ang sasabihin niya sa akin. “I am kidding lang naman, best friend. Masyado kang seryoso sa buhay,” Ellie said while pouting her lips like a mad duck in front of me. Pwede na nga na pagsabitan ng kaldero ang nguso niya dahil sa haba.