“Hindi mo man lang sinabi sa akin na ikaw pala ang nanalo. Kung hindi pa sinabi ng mga uhugin na batang iyon ay hindi ko pa malalaman,” puno ng pagtatampo na saad niya sa akin. Nakaalis na kami ro’n sa hallway at naglalakad na papunta sa classroom namin dahil naantal kanina. At kanina pa rin siya naghihimutok dito sa tabi ko. “Grabe ka naman sa uhugin. Mukha ba na mga batang paslit ‘yon para sa ‘yo?” sagot ko na lang sa kaniya at inayos ang pagkakahawak sa teddy bear na hanggang ngayon ay yakap-yakap ko. Kinuha-kuha ni Ellie tapos ako rin pala ang pahihirapan. Pero sa bagay, hindi ko rin naman kayang iwan na lang ito roon. Nahihiya at naaawa ako sa effort na ibinigay ng mga lalaking iyon. Those guys, I think they are way younger than us. Kaya nga ang lakas ng loob ni