Chapter One

2229 Words
“HAYYY… Ang guwapo guwapo talaga niya.” Buntong-hininga ni Panyang habang nakapangalumbaba sa ibabaw ng counter sa loob ng pinakamamahal niyang flower shop. Pinangalanan niya itong ‘Hardin ni Panyang Flower Shop’. Daig pa niya ang nakasinghot ng isang dosenang katol sa sobrang pagka-high. Kulang na lang ay tumulo ang laway niya. Paano ba naman hindi siya magkakaganoon? Dahil naroroon sa tapat ng shop niya ang pinaka-guwapo at machong lalaki sa kasaysayan ng kalalakihan. Ang major major crush niya in the history of mankind. Si Joneil Victor Pineda. At sa mga oras na iyon. Hayun ang lalaki at abalang abala sa pagpapapawis. Busy ito sa pagtakbo sa treadmill habang wala itong malay na may isang babaeng nagnanasa sa alindog niya. Napalunok siya ng laway. Pakiramdam kasi niya ay nanuyo ang lalamunan niya nang tumigil ito at bumaba sa treadmill. Kahit na medyo singkit siya ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang tumulo ang pawis nito simula sa leeg, pababa ng dibdib nito. “Diyos ko po, patawarin po ninyo ako. Ngunit hindi ko talaga mapigilan ang pagnanasa sa taong ito. Tingnan n’yo naman. Ang yummy n’ya!” aniya sabay kagat sa ibabang labi niya. “Kung ganito ng ganito ba ang makikita ko tuwing umaga, hindi ko na kailangan mag-breakfast. Pawis pa lang, kape na.” kausap pa niya sa sarili. Napapitlag siya ng tila may nagpunas ng kung anong tela sa gilid ng labi niya. Tiningnan niya kung sino ang malaking istorbong iyon sa pagpapantasya niya kay Victor. Ganoon na lamang ang kunot ng noo niya nang makita si Roy. Seryoso ang mukha nito habang nakatanaw din sa labas. “Ano ba naman ‘yan? Istorbo ka naman eh!” pagsusungit niya dito. “Baka tumulo ang laway mo,” sagot nito na tila ba balewala ang pagsusungit niya dito. “Huwag ka ngang makialam kasi. Ang aga pa para inisin mo ako!” “I’m a customer here and I demand your attention. Paano kikita itong simpleng flower shop na ‘to kung ganyan hindi accommodating ang mismong may-ari.” Reklamo pa nito. Napapikit siya saka tinakpan ang magkabilang tenga. Ang sunget talaga naman nitong taong batong ‘to! Panira ng magandang mood! Reklamo niya sa sarili. Nagulat pa siya ng hawakan siya nito sa pulsuhan saka puwersahang binaba ang isang kamay niya. “Aasikasuhin mo ba ako o irereklamo kita sa barangay?” banta nito. “Oo na! ‘Eto na!” singhal niya. “Ano ba kasi ang bibilhin mong bulaklak?” saka Padabog na tumayo mula sa kinauupuan niya sa likod ng counter. “One long stemmed white rose.” Sagot nito. Pagtalikod nito ay umangat ang kamay niya para sana makabatok siya dito kahit isa lang. Nanggigil siya sa inis dito. Parang ito kasi ang may-ari ng lugar na ‘yon kung makapag-demand. Isang pirasong rose lang naman pala ang bibilhin. Bigla ay humarap ito. Kaya’t nagkunwari siya na nagkakamot ng ulo. “What do you think you’re doing?” salubong ang kilay na sagot nito. “Ha? Wala!” pa-inosenteng sagot niya saka eksaheradong umiling. “Kukunin ‘yung binibili mo. ‘Di ba sabi mo one long stemmed white rose? ‘Eto na.” “You stared at me as if you want to kiss me,” he said with a teasing smile on his face. “Hoy!” singhal niya dito upang kahit paano ay makabawi ng konti. “Huwag kang mag-ilusyon diyan, Mr. Cagalingan! Kung ikaw rin lang! Hindi na ‘oy!” “What did you say?” nagsalubong ang kilay nito. Tila ba nainsulto sa sinabi niya. “Kay Victor lang ako magpapahalik! At wala nang iba. Sa kanya na nakalaan ang puso ko, pati na ang labi ko!” Umangat ang isang sulok ng labi nito pagkatapos ay umiling ito. “Wake up, little Lady. Nagkape ka na ba? Kung hindi pa, magtimpla ka na ngayon at inumin mo. Para tubuan ka naman ng konting nerbiyos.” “Tse!” asik niya dito. “And by the way…” Bago pa niya malaman ang susunod na gagawin nito ay nanlaki ang mga mata niya nang halikan siya nito, sa lips. Pilit niya itong tinulak palayo ngunit nahagip ng mga kamay nito ang beywang niya at lalo pa siyang hinapit nito palapit dito. Dapat ay mas tinutulak pa niya ito palayo at pagsasampalin dahil sa pangahas nitong paghalik sa kanya. And then she felt his lips, caressing hers. Kaysarap ng halik nito. Isang klase ng halik na pinapangarap ng kahit na sinong babae. Napapikit siya sa isiping iyon. Hindi niya namalayan na nakalayo na pala ito. Naiwan siyang nakapikit pa at nanunulis ang nguso. “Did you like it?” Ang tanong na iyon ang biglang nagpabalik sa kamalayan niya. Isang nakangising Roy ang nabungaran niya. Bigla ay nag-init ang mukha niya. Ramdam niyang mas mapula pa sa makopa ang kulay ng pisngi niya. She was so embarrassed. “Walanghiya ka!” hiyaw niya. “Oh? Why the sudden change of mood?” tanong nito na tila balewala lang dito ang nangyari. “Kanina lang you’re enjoying my kiss.” “Shut up!” patuloy niya. “Just shut up!” Nagkibit-balikat lang ito. “Okay,” anito sabay talikod at lakad palabas ng flower shop. Bago pa ito tuluyang makalabas ay bumwelta ito pabalik. Nahigit niyang muli ang hininga ng tumigil ito na malapit na malapit na naman ang mukha nila sa isa’t isa. Automatikong napapikit siya sa pag-aakalang matitikman ulit niya ang halik nito. Hanggang sa naramdaman na lang niya na nawala sa kamay niya ang long stemmed white rose na kanina pa niya hawak. “I forgot this,” bulong nito. Bahagya pa nitong pinisil ang pisngi niya. “Huwag mong masyadong isipin ang mga halik ko. Baka hindi ka makatulog mamayang gabi.” Dagdag pa nito sabay lagay ng limang daang piso sa palad niya. “Keep the change.” Iyon lang at tuluyan na nitong nilisan ang flower shop niya. Naiwan siyang tulala at shock pa rin sa nangyari. Ilang minuto pa ang nakalipas bago siya tuluyang nakabawi. Saka siya tumili ng pakalakas-lakas. “Lolo!!!” “BAKLA!!!” Muntikan ng mabitawan ni Olay ang hawak nitong baso sa sobrang gulat dahil sa lakas ng tili niya. “Bakla! Ano ba naman ‘yan? Aatakihin ako sa puso sa’yo!” reklamo ni Olay. “Ano bang problema mo?” Sa halip na sumagot ay ngumisi lang siya. “Nakita mo na ba nag destiny ko?” Nag-beautiful eyes pa siya habang iniisip si Victor. “Hay naku... Nakaalis na kanina pa. Ang tagal mo kasing lumabas! Nagpa-foot spa ka pa yata sa mukha eh.” Natawa siya sa sinabi nito. “Girl, ganon talaga ‘yun. Kailangan lagi akong maganda sa paningin ng mahal ko.” Umiling na lang ang kaibigan niya. “Ewan ko ba naman sa’yo. Bakit ba patay na patay ka diyan kay Victor? Marami naman guwapo dito sa Tanangco. Huwag lang sa kanya. He’s every woman’s man.” Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. “Oh no, my friend! I am the only woman in his life. I can feel that, dahil malakas ang positive energy namin dalawa.” “Nangarap ka na naman ng gising diyan,” singit ni Dingdong. Ang butihin niyang pinsan at maituturing niyang bestfriend. “Oh hi there ‘couz!” aniya, kumaway pa siya kahit na malapit lang ito sa kanya. Pumikit pa ito saka hinawi ang kamay niya. “Adik ka talaga! Nasinghot mo na naman siguro si Victor, ano?” “Oh my gosh! How’d you know?” maarte niyang tanong. Tiningnan nito si Olay. “May jungle bolo ka ba diyan? Maitak nga sandali itong pinsan ko.” Natawa ang bading. “Tama! Nang mabawasan naman ang baliw dito sa Tanangco.” “Pare,” Nagkulay suka ang mukha pagkakita niya sa bagong dating. Mabilis na nagbalik sa isip ang nangyari kaninang umaga. Ito ang dahilan kung bakit naging isang malaking disaster ang first kiss niya. Roy was her first kiss for heaven’s sake! Inaasahan niyang si Victor ang magbibigay niyon sa kanya. Ang pangarap niyang unang halik sa piling ng lalaking pinapangarap ay mananatiling isang pangarap na lamang. Oh! Kay saklap! At iyon ay dahil sa kulugong Roy na ‘to! Ang halik na ‘yon ang dahilan kung bakit naging disaster ang buong araw niya. Lagi na lang siyang may nababasag o ‘di kaya naman ay natatalisod siya. Ngunit sa kabila noon ay hindi mawaglit sa isip niya kung gaano ito kasarap humalik. Muli ay nag-init ang mukha niya. “Roy, anong balita?” anang pinsan niya. “Wala naman. Nasaan na sila?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang iba pang mga kaibigan nila. “Ewan. Paparating na rin ang mga ‘yon. Linggo ngayon kaya siguradong lalabas ang mga ‘yon.” Abot-abot ang dasal niya na sana’y hindi nito banggitin ang nangyari kaninang umaga. Ngunit tila nananadya pa yata ‘to nang siya naman ang balingan nito. “Panyang, ang tahimik mo yata ngayon?” tanong nito na may kakaibang ngiti sa mga labi. “Oo nga Girl, bakit bigla kang nanahimik? Kanina lang para kang megaphone.” Sasagot pa lang sana siya nang maunahan siya ng damuhong si Roy. “Iniisip mo pa rin ba ‘yung nangyari kanina?” nananadyang tanong nito. Kapwa napakunot-noo ang pinsan niya at si Olay sabay tingin ng makahulugan sa kanya. “Oh no! May nangyari?” ani Olay. “Pinsan, dapat na ba akong magpa-piyesta?” dagdag ni Dingdong. “Tse! Ano bang iniisip nyo?” asik niya sa mga ito. “Pinipilit niya akong suklian sa binayad ko sa kanya para one piece long stemmed rose. Nakalimutan na yata niyang sinabi ko na ‘keep the change’.” Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay sasabihin nito ang totoong namagitan sa kanila. Pero gusto pa rin niya itong batukan dahil pinakaba siya nito. “Ah okay… akala ko may ginawa kang hindi maganda sa pinsan ko eh.” Tinapik ni Roy ang isang balikat ni Dingdong. “Relax dude, I won’t do anything stupid.” “Good.” Noon isa-isang nagdatingan ang iba pa nilang mga kaibigan. Kasama na siyempre ang ultimate crush niya. Nawalang bigla ang inis niya kay Roy. Nagningning ang buong paligid niya. “Victor, my love!” sinalubong agad niya ito ng yakap saka parang unggoy na naglambitin sa leeg nito. “Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? I missed you na kaya.” “Hoy! Kumalma ka lang nga,” saway sa kanya ni Dingdong saka siya hinila palayo kay Victor. “Sinasabi na nga ba’t sa tarsier ka pinaglihi eh.” Natawa ang lahat sa sinabing ‘yon ni Dingdong. “Tse! Bansot!” ganti niya dito. “Weh? Nagsalita ang matangkad!” Humalukipkip siya saka eksaheradong umingos. “Victor oh, inaaway nila ako!” sumbong pa niya. Saka muling kumapit na parang tuko sa braso nito. “Ipagtanggol mo naman ako.” Magsasalita pa lamang ang huli ay muling may humila sa kanya palayo dito. Handa na siyang singhalan at hambalusin kung maaari ang pinsan niya. Ngunit ang seryosong mukha ni Roy ang nakita niyang may hawak sa kanya. Base sa hitsura nito, mukhang kahit na anong oras ay itatapon na siya nito sa katabi nilang drum ng basura. Ngunit hinding hindi siya matatakot sa kilalang ‘Mr. Sungit’ ng Tanangco. Siya yata si Pamela Anastacia Santos Aramburo. Panyang for short. Ang Gabriela Silang ng Tanangco. Tatapatan niya ito. Lalo na’t mukhang magiging hadlang pa yata ito sa love story nila ng iniirog niyang si Victor. “Hoy! Maputlang Mama! Bakit ba ang epal-epal mo?!” Singhal niya dito. Sabay bawi ng isang braso niya na hawak nito. Nakapameywang pa siya sa harap nito. Habang bahagyang nakatingala. Sa tantiya niya ay nasa 5’9 ito. Samantalang siya ay nasa 5’2 lang. Siguradong nagmukha siyang nuno dito. Eh ano? Matapang naman ako! “Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagawa mo? Ikaw pa ang lumalapit sa lalaki?” “Pakialam mo ba? Mag-hurumentado ka kung ikaw ang hinahabol ko! Eh ang kaso malabong mangyari ‘yon. Kasi hindi kita type!” “Mas lalong hindi ko type ang babaeng katulad mo!” ganti naman nito. “Tse! Isa kang malaking tse!” hiyaw niya. Sa lakas ng boses niya ay napatakip ng tenga sina Olay at ang iba pa nilang kaibigan. “Uy… LQ? Kayo na pala ni Panyang, Pare?” singit ng bagong dating na si Vanni. “Hindi ah!” sabay pa nilang sagot. “Naks! Sa ganyan nagsimula ang alaga naming ipis sa bahay eh. Una, in denial.” Dagdag pa ni Humphrey na kararating lang din. “Oh Panyang, babe! Inaaway ka ba ni Roy?” singit naman ni Randolf. “Isa ka pa! Tantanan mo ako!” sigaw din niya dito. Saka nagmartsa palayo. “Teka, saan ka pupunta? Panyang!” habol naman ni Dingdong. “Sa barangay. Magrereklamo! Sasabihin ko ‘yung K9 dog nila nakawala!” sagot niya na ang tinutukoy ay si Randolf.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD