Nang makalabas ako ay ang mga tao sa gilid na nakatanaw sa dagat ang nakikita ko. I walk closer towards them. Halos lahat sa kanila ay nakangiti pa, na parang may pinagmamasdan sa dagat.
Napangiti ako at mahigpit na nakahawak sa bakal na relis nang makita ang iilang dolphin na sumasabay sa takbo ng barko. They are so beautiful and the way they swim is so amazing.
.
'Wow! Look at that, Viola. I love it!'
.
Napakurap ako sa mumunting tinig na narinig ko at agad na hinanap ito ng mga mata ko. Sigurado ako na narinig ko ito, pero lahat halos ng mga tao na katabi ko ay hindi naman nakatingin sa akin.
I blinked my eyes a few times and stared at the sun. Maliwanag sa mata ang araw kahit na hapon na ngayon. Hanggang sa bahagyang umikot ang paningin ko.
'Viola! Ang daya mo naman. Nakakainis ka!'
Rinig ko ang mumunting halakhak sa ilalim ng isip ko at makailang beses akong kumurap pa sa sarili.
'Gustong-gusto ko si Lorenzo, Voila. Alam mo 'yon 'di ba? Nakakainis ka talaga! Nakakahiya. Nakita niya ako kanina,' boses ulit na narinig ko.
My vision suddenly becomes blurry and I feel like I'm floating in the air. Pakiramdam ko ay masusuka na ako ngayon dito. Mas humigpit na ang hawak ko sa bakal na riles sa harapan at pilit na pinigilan ang paghinga ko. I can still see the dolphins underneath and the people are clapping and smilling.
My God... can someone please...
.
"Penelope. Are you okay, love," lambing na boses niya.
Nasa likurang bahagi ko siya at agad siyang humawak sa magkabilang riles sa harap ko. Sumandal na ako sa dibdib niya at niyakap siya nang husto. Naramdam ko agad ang haplos ng kamay niya sa likurang bahagi ko.
"Relax, love. Inhale, exhale."
Halos ginaya ko na ang paghinga niya hanggang sa naging okay na ako. Hindi pa rin ako bumitaw sa kanya at yumakap din naman siya. I am so dizzy and I don't care anymore. Ang gusto ko lang ay maibak ang damdamin at utak ko ngayon. Hanggang sa kumalma na ang lahat sa akin. Napatitig na ako sa kanya at kakaiba ang nararamdaman ko. Nakakalunod kasi ito.
"Let's go back. So that you can eat."
Tumango ako at kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya.
The heck, it's Lorenzo! Alam ko naman na siya ito talaga. Pero nagbabakasali ako na si Manong Primo ito.
Mahina akong humakbang at inalalayan niya lang din ako. Tumahimik na ako sa sarili ko. Wala akong enerhiya na mag taray ngayon sa kanya dahil nanghina ang mga tuhod ko.
.
Nang makabalik kami ay pumasok lang din ako sa van at hinayaan na nakabukas ang pinto. I stared at Lorenzo while he's busy preparing my food and my drink and putting them on the food tray. Nakadamit puti siya at may army dog tag na necklace sa leeg niya. Kumunot ang noo ko nang makita ang legality seal nito.
Did he served the army? Kailan pa? Ang tanda na niya siguro niya kung saka-sakali man? Hay naku, Viola. Pakialam ko ba!
"Here... Mainit okay?"
Maingat niya itong nilapag sa paanan ko at napatingin agad ako rito.
It's chicken lomi and I can smell the aroma flavor of it. I grab my spoon straight away, I scoop it. Kakain na sana ako, pero napako lang ulit ang paningin ko sa kanya. Titig na titig kasi siya sa naka-awang na labi ko. I shut my mouth and put my spoon down.
"Sorry, but can you leave me alone? I promise I will eat the whole lot, okay?" I smiled.
Ngumiti siya at mahinang tumango at tumayo na. Pinaikot ko lang ang mga mata ko at tinitigan ang likod niya, hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Napako na ulit ang paningin ko sa pagkain at kumain na ako.
.
After I devoured my food and thanks to him I am full. Mukhang gutom lang 'ata ang nangyaring guni-guni ko kanina. Sanhi ng gutom lang iyon kaya kung ano-ano na ang naririnig ko. Hindi pa naman ako baliw ano! Sigur0 kung nagkatuluyan kami ni Francisco ay tiyak baliw na ako ngayon ng tudo.
Nang makarating kami sa paunang Isla ay tahimik lang din ako. Ilang minuto na biyahe at isang barko pa ang sinakyan namin. This time it was quick. Tatawaid lang naman kami sa kabilang Isla na kung nasaan ang resort. Tatlumpung minuto lang ang layo nito mula rito.
Hindi na ako nanatili na van at nakatingin na ako ngayon sa dagat. Kitang-kita mula rito ang Isla at sa bandang gilid. Ito ay ang resort na pagmamay-ari ng pamilya ko. Dalawang resort ang pagmamay-ari ni Papa. Ang isa namana niya kina lolo at lola. Samantala ang ikalawa ay ang bagong nabili niya.
Mabilis lang kaming nakarating at panay lang din ang talak ni Manong Primo kay Lorenzo. Ako lang 'ata ang pagod na at gustong matulog ulit. Pakiramdam ko lumilipad ang utak ko sa kawalan kasama ang kaluluwa ko.
I hate traveling by ferry. Nakakahilo. Kaya ayaw na ayaw ko.
Medyo madilim na nang makarating kami sa resort. Nakalinya pa ang iilang staff na sumalubong sa amin at nakangiti pa ang lahat sa kanila. Pagod na ang katawan ko kaya dumiretso na ako sa kwarto.
.
c.m. louden