Chapter Forty-seven: “Anong kailangan mo sa punyal? Hindi mo maaring kuhanin ito sa akin sapagkat akin ito!” sigaw ni Azrael at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa punyal. “Sigurado ka? Sigurado kang sa iyo nga ba talaga ang punyal na iyan?” tanong ni Lucifer na siyang ikinakunot ng noo niya. “Anong gusto mong iparating Lucifer? Alam ng lahat na sa akin ipinagkatiwala ng dakilang lumikha ang punyal na ito. Kaya sa akin ito!” sigaw niya at dahil dito ay mas lumawak ang ngiti ng dating anghel na si Lucifer. “Minsan ba ay naipalabas mo ang tunay na anyo ng punyal na iyan?” tanong ni Lucifer. “Anong tunay na anyo?” nagtatakang tanong ni Azrael. “Ang flaming sword! Minsan ba ay lumabas ang totoong kapangyarihan ng punyal na iyan?!” Umiling si Azrael bilang sago