Chapter Fourty-two: “That’s sad,” sabi ni Asmodeus habang nakatingala sa kalangitan. Kasalukuyan silang nasa tabing dagat at inaabangan ang mangyayari sa langit ngayong may mga nakapasok na mortal doon. Napabuntong hininga si Lucifer habang pinagmamasdan ang tila mga bituing nalalaglag mula sa kalangitan. Alam nilang ang apat na mortal iyon ang bumaba sa bangin sa pagitan ng langit at lupa. Magdidiwang na sana siya ng makita ang pag-itim at pagkidlat ng kalangitan- tanda na may kaguluhang nangyayari sa langit pero hindi pa man nagtatagal ay muling lumiwanag ang kalangitan. Kumalma ang langit na sa palagay niya ay tapos na ang saglit na digmaan na gawa ng apat na mortal na tinulungan niyang makapasok ng langit. “Akala ni Satan ay magkakagulo ng husto at papatayin ng diyos ang