Special Chapter Four: Roman Lastimosa “Malas ka talaga!” sigaw ng kanyang tiyuhin niya sabay bato sa kanya ng isang kuwatro kantos na bote. Mabuti na lamang ay mabilis siyang nakailag. Tumama ang bote sa pader dahilan para mabasag ito kaagad. “Eh sa wala akong nadukot eh! Ikaw kaya lumabas at mandukot ‘no? Tapos kapag may parak at nadampot ka, bahala ka sa buhay mo!” sigaw niya at lalong umusok ang ilong ng kanyang tiyuhin dahil sa galit. “Aba’t sumasagot ka na!” Akmang babatuhin na naman siya ng kumaripas na siya ng takbo malabas ng barung-barong na tinitirhan niya. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa makarating siya sa isang abandonadong parke. Dito na siya naupo at nagpahinga. Hingal na hingal siya dahil ilang metro din ang tinakbo niya, makalayo lang sa kanyang tiyuhin.