Chapter Fifty-four: “Ready na ba kayo?” tanong ni Father Michael sa kanyang mga kasama. Nakita niyang bitbit ni Roman ang kanyang mga gamit at inilagay ito sa may trunk ng kanyang kotse. Sina Uriel at Raphael naman ay tumango na lang at pumasok na sa backseat ng kanyang kotse. Hinithit niya ang hawak niyang sigarilyo. Nagmistulang tala ang baga ng kanyang sigarilyo, nagningning sa paghithit, nawalang parang bula ng pakawalan ito ng kanyang mga labi. Parang ulap sa lupa ang usok na ibinuga niya, pagkatapos ay itinapon lang niyang basta ang upos ng sigarilyo sa lupa saka niya ito tinapakan para tuluyang mamatay. Kung puwede lang tapakan ang mga demonyo katulad nito, mas madali sana ang buhay. Pagkatapos ay pumasok na siya sa driver’s side at pinaandar na ang kanyang sasakyan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books