THUNDER LAVISTRE
“Hindi maganda ang lagay ni Flame, mataas pa rin ang lagnat nito. Gawin niyo na lang, ito ang plano..” wika ko ng marinig ko ang sinabi ni Earl.
“Sige sasabihan ko si Ava..” sagot ni Earl sa akin.
“Close kayo ni Ava?” Hindi ko maiwasan na hindi mag tanong dito.
Nilingon ako nito bago sumagot. “Kailan ka pa nag karoon ng pakialam? Nah, siya lang ang nagsabi sa akin ng plano ni Flame..” sagot nito at pag tatanong.
Umiling na lang ako at nag salita. “Nagulat lang ako, sabagay hindi ito malabo matagal kayong nag kasa——” naputol ako ng mag salita si Earl.
“May gusto ka ba sa kanya?” Tanong nito na kina lingon ko ng marahas.
“Anong sinasabi mo?!” Gulat na tanong ko dito. “Wala!” Sagot ko dito.
“Kung may gusto ka magsabi kana hindi ‘yung pasimple ka pa, halata ka naman. Hindi naman ikakagalit ni Flame kung gusto mo si Ava wala naman siyang magagawa..” sagot nito at tinalikuran ako nito.
“Wala nga sabi pareho lang kayong Damon!” Asik kong sagot dito.
Nagkibit balikat ito at nag salita pa. “We’ll see..”sagot nito at umakyat na ito sa taas para puntahan ang asawa ni Flame.
Umiling na lang ako at sinundan ito. “May gusto ka na kay Ava?” Tanong ni Azi wala itong damit pang itaas at mukhang kaliligo lang nito.
“Sino— wala akong gusto sa kanya tatlo na kayo nila Earl at Damon!” Asik ko dito.
Tumawa lang ito at sumunod sa akin. “Malay mo lang bagay kasi kayo. Anyway hindi pa nag papakita si Damon isang araw na mahigit..” sagot nito na kina lingon ko dito bago ko buksan ang pinto ng opisina sa taas.
“Baka nasa magulang niya? Alam niyo naman ‘yun kung saan saan ‘yun pumupunta..” sagot ko dito at pumasok na ako sa loob.
Nakita ko si Flame at sila Vlad dito at Demitri. “Wala daw doon eh..” sagot ni Azi at umupo lang ito.
“Ayos ka lang ba? Dapat ang asawa mo muna ang makipag usap sa amin..” tanong ko sa kapatid ko naka upo ito at halatang nang hihina.
“I’m fine, kaya ko pa naman. Maupo kayo..” utos nito kaya umupo ako kaharap ko si Earl dahil naka tayo si Vlad.
“Anong tungkol kay Damon anyway?” Tanong ni Flame sa amin at binigay ito ng tubig ng asawa niya na nasa tumbler na may straw.
“Wala kasi siya, kanina pa namin hindi nakikita ang isang ‘yun tapos wala din siya sa kanila. Sa bar wala din..” sagot ni Azi na kina lingon ko na dito.
“Utusan niyo si Mika na hanapin na si Damon, malikot ang isang ‘yun baka kung saan na ito napunta..” utos ko tumango naman si Azi at agad itong lumabas upang tumawag sa Underground.
“Mag iingat kayo dahil may mga tauhan ang bise presidente na inutusan at parte din ng mafia..” utos ni Flame sa amin at hinarap sa amin ng asawa nito ang laptop at doon ko nakita na kasama ang bise sa mga tauhan ng Petrov Organization.
“Delikado ito, pareho natin mga russian din?” Tanong ni Ezekiel.
Umiling si Flame. “Hindi, ginamit lang nila ang Russian Surnames para kapag tayo na ang nalagay sa maling sitwasyon sa atin nila ito isisi, mas lalo kapag lumabas na ang katotohanan na tayo ay mga russian at kaka patay din tayo ng kapwa natin, but who cares?!” Paliwanag ng kapatid ko.
“Anong gusto mo gawin natin? Tumahimik?” Tanong ko dito.
“Sa ngayon oo, hayaan mo masunod ang plano nila. Saka tayo kililos.. pero ilabas ninyo ang info na ito pero ayoko na sa atin mag mumula..” paliwanag ng kapatid ko at tinulak nito ang folder.
“Ipadala niyo sa pangulo o kay Jimenez, tutulungan niya tayo..” utos ng kapatid ko.
“Yan din ang sinabi at inutos ko kay Ava bago ako nag tungo dito..” wika ni Earl.
“Oo sinabi ko kasi kapag naka kuha sila ng info ni Bryant, puntahan ako sa underground pero ito ang nangyari. Gawin niyo ang plano, kayo na ang aasahan ko dito..” utos ng kapatid ko.
Tumayo ito pero agad itong inalalayan ng asawa niya. “Nahihilo ka ba?” Tanong ni Blake dito. Tumango ang kapatid ko kaya agad itong binuhat ni Blake.
“Mauna na kami kailangan na mag pahinga ng asawa ko. Sabihan niyo ako kung kailangan niyo ng tulong ko..” wika ni Blake sa amin.
“Kaya na namin ito, alagaan mo si Flame..” sagot ni Vlad dito tumayo ito at pinag buksan nama ni Azi ng pinto ang mag asawa para makalabas ng maayos.
VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE
“Pansin ko wala din si Storm, nasaan ang isang ‘yun?” Tanong ko kay Thunder, tumingin ito sa paligid at doon nito napagtanto na wala din si Storm.
“Baka nasa kwarto niya..” sagot nito.
“Wala ang sasakyan ni Storm d’yan..” sagot ko na kina laki ng mata nito.
“Kailangan natin sila mahanap. Iba na ang kutob ko dito..” wika nito at lumabas na ito.
Tumango ako at sumunod kami dito. “Pumunta tayo sa Underground.” Wika ko at nauna si Thunder mag lakad, sumunod si Earl at Ezekiel dito. Kaming tatlo ni Azi ang nasa hulihan.
HINDI NAGTAGAL nakarating na kami ng Underground. Agad kong inutos na hanapin ang dalawang nawawala. “Boss wala po hindi po sila mahagip ng rathar natin..” wika ni Mika na kina lingon ko dito.
Naikuyom ko ang kamao ko. “Hindi basta mawawala ang dalawang ‘yun ng ganun na lang. Subukan mo pasukin ang hospital room ng Bise Presidente Blue, kaya mo ba?” Tanong ko kay Blue na nasa kabilang linya na kanina pa ito.
“Opo boss pupunta po ako..” sagot nito.
Bago pa ako makapag salita ay lumitaw na video sa Malaking screen namin dito. “Kung gusto niyo pa makitang buhay ang mahal niyong kamag anak. Ibigay niyo o isuko niyo si Flame sa mga pulis, nang matapos ang usapin na ito..” utos ng Bise Presidente.
Ngayon niyo sabihin sa amin na huwag kami lumaban sa gobyerno? Nakita ko ang background ng mga pinsan ko at doon ko napansin na alam ko ang lugar na ito.
“Mika! Hanapin mo ang lugar——” naputol ang sasabihin ko ng biglang lumitaw si Blake sa kabilang linya.
“Sa lumang slaughter house sila kinulong! Nakuha na ni Flame ang location nila!” Wika ni Blake.
“Okay papunta na kami!” Sagot ko at kinabit ko ang earpiece ko.
“Kami din!” Sagot nito.
“Guys! Sa Old Slaughter House tayo! Isesend ni Mika ang exact address!” Utos ko at sumakay na ako sa aking Lamborghini Huracan.
“Okay malapit lang kami sa location ngayon..” sagot ni Earl sa akin.
Kasama nito ang iba kaya naman madali na silang makakapunta. Paglabas ko ng highway mas bilisan ko ang takbo ng sasakyan ko, mabuti at maluwag ang kalsada.
STORM LAVISTRE
“Balak pa ata tayo gawing karne dito?” Tanong ni Damon sa akin.
“Pwede ba huwag kana nga manakot? Wala akong plano ipakain ang karne ko!” Singhal ko dito. Kahit naka baliktad kami pareho nakuha pa nitong tawa.
Panay lang ito sa pag tawa hanggang mag salita muli. “Naalala mo pare? Nakidnap din tayo dati kasama natin si Ezekiel? Sayang wala siya dito..” wika nito.
“Tangina mo nakuha mo pang mag flashback hay*p ka?! Hindi mo ba alam na masama ang lagay natin! Dahil ang tatalim ng mga pang giling ng laman sa ibaba natin?!” Hindi makapaniwala kong tanong dito at tinuro ko gamit ang nguso ko ang maingay na makina sa ibaba namin. Umiikot kasi ang talim nito
Nilingon ako ito. Hindi ko magawang mahawakan ang kadena sa paa ko dahil naka baliktad ako at ang kamay ko nasa likod ko. “Mahahanap nila tayo ano ka ba? Kaya chill ka lang d’yan. Kapag lalo kang kumilos baka mapigtas ang kadena.. pare wala akong plano mawalan ng pinsan..” wika nito kaya naman hindi na ako kumilos.
Napa lingon kami ng may pumasok na sasakyan. “Oh andito na ang bwisita natin.. sure ako na iinsultuhin tayo niyan..” wika ni Damon na kina iling ko na lang.
“Kapag hindi nila sinuko si Flame sa pulis tapos kayo sa amin..” wika ng Bise Presidente.
“Alam mo ang tanga mo ano?” Tanong ni Damon na kina tawa ko dito. Kahit kailan ang isang ito masyadong pasmado ang bibig.
Hindi naman maipinta ang mukha ng pangulo sa narinig kay Damon. “A-anong sabi mo?!” Galit na tanong ng ikalawang pangulo.
“I’m sure your heard it..” sagot ni Damon dito na lalong kina asar ng babae.
Natawa lang ako sa katarantaduhan ng isang ito. “Saka kahit sumuko si Flame sa kanila? At pinakawalan niyo kami dito? Akala niyo tapos na, hindi pa dahil ako mismo papatay sayo gagawin ko itong ginawa mo sa amin!” Banta na paliwanag ni Damon dito.
“Hindi niyo kilala ang grupo namin, maaaring nakita niyo na paano kami kumitil ng buhay. Pero bawat pag patay may bagong timpla, hindi kami mauubusan ng paraan..” wika ko at tiningnan ko ito ng malamig na kina laki ng mata nito.
May benda ito sa hita at may saklay din dahil si Ai ang bumaril sa kanya ang cute kong pamangkin. “Pero hindi nito magbabago na mahina kayo! Nahuli kayo ng tauhan ko ng ganun kadali..” sagot nito at ngumisi pa ito sa akin.
Tumawa lang si Damon. “Ano sabihin na ba natin?” Tanong ni Damon sa akin ngumisi ako at tumango.
Gumuhit ang pagtataya sa mata ng Ikalawang pangulo ng bansa. “Dahil ito ang plano naming dalawa upang magawa ni Flame ilabas ang baho mo.. gagamitin namin ang sarili namin para gawin bitag para isipin niyo na kayo na ang panalo pero ang totoo, kayo ang nahulog sa aming kamay..” wika ko at biglang nag tunugan ang cellphone ng mga kasama nito.
“Naka abot kaya sa pangulo?” Tanong ni Damon ulit, namumula na ang mukha nito ibig sabihin masama na ang lagay ng dugo nito napupunta na sa ulo niya.
“Oo naka abot ito sigurado ako d’yan kahit hindi maganda ang lagay ni Flame kikilos parin siya, andyan din naman ang asawa niya..” pabulong kong sagot dito.
“Hindi! Hindi ito! Mga hay*p kayo!” Sigaw ng babae.
“Damon!” Sigaw ko at binunot ko ang baril ko. Ganun din ang isang ito. Binaril ko ang makina upang tumigil ang pag ikot ng mga blades.
Nang magawa ko ito binaril ni Damon ang mga kadena naming dalawa. Nang babagsak kami agad may malakas na sipa ang tumama sa sikmura ko at tumilapon ako sa gilid. “F*ck! Ang sakit nun! Sino ‘yun?!” Daing ko at isa isa ko inalis ang kadena. Parang kinakapos ako sa paghinga sa nangyaring pag sipa na ‘yun.
Konektado ang kadena sa kamay ko sa buong katawan kaya isang tanggalan lang ito. “Pakiramdam ko lahat ng kinain ko lalabas ngayon..” daing ni Damon.
Napa tingin ako sa harap ko doon ko nakita si Flame. “Flame? Hindi ka pa magaling..” wika ko at nanghihina akong tumayo.
“Alisin niyo sila dito..” utos ng kapatid ko at agad akong kinuha ni Blue at Ayano. Si Damon ay ganun din.
Nahihilo ako sa tagal kong naka baliktad kanina parang lahat ng dugo ko bumalik sa dati..
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
“Hayop ka ikaw ang salot sa mundo na ito!” Wika nito sa akin.
Kaunti pa kapag dumating si Jimenez kasama ang mga bata nito makapag pahinga na ako. “Tama ka salot ako sa mundong ito, wala na akong pakialam basta masigurado ko na tatapusin ko ang kaligayahan mo ..” sagot ko dito.
“Wala kang alam anong sakripisyo ko para makuha ko ang hustisya ng kapati——” pinutol ko ito ng barilin ko sa ulo ang tauhan nito at nag lakad ako palapit dito.
“Hustisya? Saan? Sa kapatid mo na dating pangulo na isa din sa katulad mo na isa sa may pakana ng human trafficking sa bansa?! Sige lang dahil hindi ako magsasawang tapusin hanggang maubos kayong lahat!” Sagot ko dito at sinuntok ko ang mukha nito.
Hindi ko hinayaan itong bumagsak ng tuhurin ko ang tagiliran nito at undayan ko pa ng suntok mula sa kanan kong kamao.
Napa upo na ito at kalaunan ay humiga na. “Balita ko buntis ka daw?” Tanong ko dito na kina guhit ng takot nito sa mga mata niya.
“Balita ko din kasi ‘yung kabit ng asawa mo na buntis din, ikaw mismo nag palaglag sa bata tapos binenta mo ang kawawang babae sa mga kapwa ko din mafia diba? Mag kano? 50 million us dollar base? Tanong ko dito muli.
Ngumisi ako ng tumulo ang luha nito. “Alam mo ba kaya ko din pumatay ng inosente?” Tanong ko dito.
“Huwag pakiusap matagal kong pinanga——” hindi ko pinatapos ito ng tadyakan ko ang t’yan nito na kina sigaw nito.
“Kung ang kabit ng asawa mo na sinabi mo walang karapatan magka anak dahil marumi siyang babae!? Pwes mas wala kang karaptan tawaging ina kung kaya mo pumatay ng inosenteng bata!” Sigaw ko dito at sunod sunod ko tinadyakan ito.
Hanggang dumugo ang pribadong parte nito. “Ngayon habang nasa kulungan ka, maalala mo ang lahat ng ginawa mo. Pati ang ginawa ko,” niluhod ko ang isang tuhod ko at tinutok ko ang baril ko sa baba o chin nito at hinarap ko ang mukha nito sa akin.
“Wala ka din karapatan maging ina dahil wala kang puso. Pareho na tayo na kayang pumatay ng inosente..” sagot nito sa akin tuloy lang ang luha nito at halata sa mukha nitong nag titiis ito sa sakit.
Ngumisi ako at nag salita. “Wala akong pakialam doon, dahil ang goal ko lang? Ubusin kayo kahit lahat ng sinabi ko ay suma-salamin din sa akin.. wala akong pakialam..” sagot ko at tumayo na ako.
“Balang araw pag babayaran mo din ang lahat ng ginawa mo! Tandaan mo ‘yan kahit kakampi mo ang pangulo ngayon?! Ipapakulong ka parin niya, hindi ka makakatakas sa batas!” Sigaw nito sa akin habang nakatalikod ako.
Narinig ko pa itong sumigaw sa sakit ng nararamdaman niya. “Baby ko!!” Sigaw nito.
Saktong dumating na si Jimenez at nag salita ako sa huling pagkakataon. “Hindi ko kailangan ng kakampi mas lalo kung nasa gobyerno naman. Dahil para tayong nasa gubat..” putol ko at nilingon ko ito na naka tingin din sa akin.
“Ganito sa gubat, tayo tayo lang din mag kakainan at mag papatayan para kung sino ang matitira siya ang matibay..” wika ko at nag lakad na ako patungo sa ibang direksyon ng hindi sila hinihinat pang sumagot..
Nag tungo ako sa sasakyan ko at bago pa ako makarating napa luhod ako dahil sa sakit ng ulo ko, nahihilo ako grabe ang hilo ko ngayon.
Mataas din ang lagnat ko, “Halika na bubuhatin na kita.” Wika ni Ezekiel at binuhat na ako nito.
“Nasa sasakyan ang asawa mo, pinipigilan ang bunso mo na lumabas at gusto ka daw salubungin..” wika nito na kina tango ko.
Sumandal ako sa dibdib ni Ezekiel dahil nahihilo ako, “Matulog kana, ipaubaya mo na ito sa amin, saka tapos na ito makakapag pahinga kana..” bulong nito tumango lang ulit ako hanggang marinig ko na lang na inutusan nito na buksan ang pinto.
Naramdaman ko na lang na nilapag ako ako nito sa upuan. “Umalis na kayo dalhin niyo na siya kay Madrid..” utos nito at sumandal ako asawa ko na na binigyan ako nito ng kumot.
“Salamat Ezekiel.. tara na kuya Danny..” utos ng asawa ko at doon na ako tuluyan nawalan ng malay.
-
Death is the wish of some, The relief of many and the end of all..