FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
KINASA KO ANG BARIL KO bago ako bumaba ng sasakyan ko. Papunta ako sa underground dahil tinawagan ako ni Kuya Vlad na may kinakasang kilos laban sa akin.
“Huli na Vlad, nasa gitna na ako at hindi na ako makakaalis dito. Ang magagawa ko na lang ngayon lumaban hanggang huli..” wika ko at inayos ko ang earpiece ko.
“Papunta na kami d——” pinutol ko na ito ng mag salita ako.
“Hindi na, siguraduhin niyo na ligtas ang pamilya ko ito na lang ang pambawi ninyo sa nangyari..” utos ko at inalis ko na ang earpiece ko at hinagis ko ito sa loob ng sasakyan ko.
Nag lakad ako habang hawak ko ang ginto kong 45 caliber dalawa ito. “Kasabwat mo ang pangulo sa lahat ng ito, dahil sa ginawa mo madadamay sila!” Wika ng pulis na ito.
Nakatutok sa akin ang baril nito kasama ang mga bata nito. “Wala akong kasabwat, ang pangulo mismo ang nag plano nito huli ko na nalaman ng sabihin sa akin ng mga Secret Agent. Sila ang balikan niyo hindi ako..” sagot ko at tiningnan ang paligid doon ko nalaman na maraming tao na nanonood sa amin.
“Idadamay niyo ang mga inosenteng tao para mapatay lang ako?” Tanong ko sa kanila dahil nakikita ko na ayaw nila itong paalisin.
“Oo para sayo ang sisi ng lahat ng ito! Tingnan natin kung makatakas ka——” hindi ko pinatapos ito ng barilin ko ang lalaki sa kanan ko, pulis din ito pero mukha lang hindi dahil sa suot nito.
“Wala akong pakialam kung idamay niyo sila, at sa akin ibato ang sisi matagal ko ng alam na gawain niyo ‘yan! Pero ang gagawin ko hanggang kabilang buhay ay maalala niyo..” wika ko.
Nanlaki ang mata nito ang barilin ko ang sasakyan nila. Dahil naka palibot sa akin ang police mobile at mga pulis nasa loob sila mismo.
Pwede ko sila sunugin dito ng buhay. “Kayo na nanonood kuhaan niyo ng video para makarating ito sa Bise Presidente!” Utos ko na agad nila ginawa.
Nag lakad ako patungo sa sasakyan ko at binuksan ko ang likod nito at kinuha ko ang gamit ko ang mga armas ko.
“Hayop ka anong nilagay mo sa paligid!?” Tanong nito.
Binato ko kanina pa ang isang bola na puno ng kuryente sa oras na ibato ito o tumama sa matigas na bagay lalabas ang mga kuryente. Nang galing ito kay Theodore, niregalo niya sa akin ito ng kaarawan ko, ito ang magiging gamit ko para manatili sila sa loob dahil kapag lumabas sila sigurado ako na mahahati sila sa dalawa.
Maliban na lang kung alam nila paano lumabas dito. “Dito ko kayo tatapusin..” sagot ko at binuksan ko ang hood ng sasakyan ko at binutas ko ang gas tank ng sasakyan ko upang tumagas ang gasolina.
“Pakawalan mo kami! Hay*p ka dem*nyo ka!” Galit na sigaw nito at sinugod ako binato ko ang gamit ko palabas sa barrier na ginawa ko.
Ngumisi ako at sinalubong ko ito ng malakas na suntok na kina upo nito. Binunot ko ang baril ko kasunod ng pag bunot din nito. “Wala akong plano na tapusin kayo o maki sali sa gulo ng buhay ninyo. Pero nauubos na ang pasensya ko, bakit ako ang sinisisi ninyo sa pagkamatay ng dating Bise at Presidente noon? Hindi niyo ba tanggap na nakilala na sila dahil sa mga katiwalian na ginagawa nila? Kaya nag hahanap kayo ng pag papasahan niyo ng kasalanan niyo?!” Tanong ko dito.
“Ang pagpatay sa mga inosenteng tao at nasa kapangyarihan ay kahit kailan hindi naging ta——” agad akong sumagot.
“Pwes! Ang maging bulag sa katotohanan na ang bansang ito at ang gobyernong umiiral ay bulag sa mga nangyayaring bentahan ng totoong tao at inosenteng tao! Kung ako ang kaaway ang bansa baka ako pa mismo nagbebenta pero hindi! Lahat ng armas na pinasok ko at mga gamit namin ay legal na pinasok ko lahat ‘yan may permit!” Buong lakas kong sigaw.
“Kayo ang totoong mga hudas ng bansa! Alam niyo ang mga nangyayari pero bulag kayo dahil may nakukuha kayong porsyento!” Sumbat ko dito.
Tinutok ko ang dalawang baril ko dito. “Ngayon.. sino ang mas dem*nyo sa atin?! Para sakin? Pareho lang! Wala akong pakialam sa paniniwala ninyo dahil hanggat may katulad niyo! Papatayin ko parin kayo isa isa! Wawasakin ko kayo hanggang maubos kayo!” Banta ko dito.
“Hindi ako titigil kahit pa maging malaking tinik niyo ako sa lalamunan! Hindi magbabago ang kagustuhan ko na iligtas ang mga inosenteng tao laban sa inyong mga nasa kapangyarihan pero ginagamit sa maling gawain!” Wika ko.
“Hindi na bale maging mali at maging masama sa mata ng maraming tao at buong mundo, ang mahalaga nagawa ko ang gusto ko at ang parte ko para sa mga taong hindi kaya lumaban para sa kanila! Mga tao na tinatapakan niyo dahil alam niyong hindi nila kayo! Mga tao na binebenta ninyo para sa mas malaking pera na makukuha niyo! Mas masahol pa kayo sakin!” Wika ko at nang babarilin ako ng ibang pulis.
Inunahan ko ito at pinagbabaril ko ito ng hindi ito nililingon. “Magbabayad ka pa rin sa batas tandaan mo ‘yan magiging masaya ako na makita kang nasa kulungan..” naka ngisi nitong wika.
“Wala akong pakialam sa sinasabi mong inosente! Ang importante nag kakaper—” isang malakas na suntok ang binigay ko dito.
Sinuntok ko pa ito ng sinuntok hanggang gumapang ito palayo sa akin. “Wala din akong pakialam kung hanggang dito kana lang..” malamig kong wika at binaril ko na ang sasakyan ko upang umapoy na ang mga gasolina na sadyang ikinalat ko.
“Hay*p ka mamat*y kana!” Sigaw nito.
Alam kong mainit na ang paligid ko pero wala akong nararamdaman, galit ang nararamdaman habang ako ay nakatingin dito habang nilalamon ito ng apoy. “Ako ang mag didikta kung kailan ako dapat mamatay at hindi ikaw..” bulong ko at tumalikod na ako ng bumagsak na ito ng tumayo ito para sugurin sana ako.
Nilalamon na ito ng apoy napa lingon ako sa McLaren ko at nang hinayang. Ito ang paborito kong sasakyan ngunit mukhang mapapa bili na naman ako ng bago..
Kinuha ko ang bola na binigay sa akin at kusa ng nawala ang barrier. Nag lakad na ako at kinuha ko ang gamit na hinagis ko, nilingon ko ang nasusunog na mga pulis at ang sasakyan ko. “Pambihira nanghihinayang ako pero mas okay na ‘yan kesa masundan pa ako dahil sa nilagay ng mga agent na ‘yun na locator..” pag kausap ko sa sarili ko.
Nang tuluyan ng masira ang sasakyan ko kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Jean. Sumagot naman agad ito. “On the way na ang motor mo..” bungad nito.
“Good. Bilhan mo ako ng McLaren same color ayoko ng ibang kulay.. ipapadala ko bayad ko..” utos ko dito.
“Hay naku! Ano pa nga ba magagawa ko?! McLaren ang sinira mo kapag ikaw na-banned sa kanila? Hindi ko na alam..” sermon nito kaya binaba ko na ang tawag ko at umupo na lang ako sa gather ng kalsada
Nilingon ko ang mga tao. “Tapos na ang palabas pwede na kayo umusad..” malamig kong wika na agad naman nilang kina kilos.
Pinanood ko lang ang sunog wala din tumawag pa ng bumbero para apulahin ang apoy ngumisi ako ng mapag tanto ko na. May pinatay na naman akong government officials.
HINDI NAG TAGAL DUMATING ANG ISANG truck at nang tumalikod ito sa akin at bumagsak ang pinto nito sa likod.
Dahan dahan lumabas ang motor ko at binaba na nila ito, may gamit silang machine para mag kusa ito. Isa itong Yamaha YZF R9. Tumayo na ako at kinuha ko ang susi ng motor ko sa driver.
“Thanks..” pasasalamat ko at sumakay na ako sa motor ko, kinuha ko ang helmet at sinuot ko na ito.
“Ingat kayo boss!” Palala ng kanang kamay ni Jean na Yumiko.
Tumango ako at agad akong umalis matapos ko maayos ang gamit ko. Binilisan ko ang takbo ng motor hanggang kumaliwala ako ng daan. Mas binilisan ko pa ang takbo nito hanggang makarating ako sa Underground.
Bumaba na ako ng maipasok ko ang motor ko at pumasok na ako sa loob habang inaalis ko ang helmet. “Lalo ka pag iinitan nito..” wika ni Earl ng makapasok ako.
Umupo ako sa tabi nito at hinubad ko ang jacket ko at sapatos ko. “Yaan mo sila wala naman bago sa kanila..” sagot ko at humiga na ako
“Mag iingat ka ng husto, dahil may anak kana hindi na tulad ng dati..” paalala nito.
Bumuntong hininga na lang ako at pumikit ako dahil inaantok na ako.
EARL LOYD LAVISTRE
Napa tingin na lang ako sa babaeng ito na ngayon ay humihilik na. “Nakakatulong ba ito ng maayos? Para siyang pagod na pagod..” tanong ko sa kapatid nitong si Storm.
“This past few days daw nahirapan matulog ‘yan sa hindi malamang dahilan..” sagot ni Storm sa akin at kinumutan nito ang kapatid niya.
“Baka marami itong iniisip..” wika ko at umusog pa ako para hindi naka baluktot ng tuhod nito.
Nag kibit balikat si Storm at umupo ito. “Dumating na ba si Fla——” sumenyas ako kay Thunder na huwag itong maingay at tinuro ko si Flame na natutulog.
“She’s here na pala..” wika nito at hinawakan ang noo ng kapatid nito. “Mainit siya..” wika nito na kina upo ko ng tuwid.
“Tawagan niyo si Blake kung alam niya ito.. Mika get some medicine..” utos ko kay Mika tumayo ito at agad tumakbo. Hinawakan ko ang paa nito mainit nga ito.
“May lagnat siya hindi kaya dahil sa pagod?” Tanong ni Storm sa amin.
“Iuwi niyo muna siya para makapag pahinga muna ito..” utos ko sa mag kapatid.
“Okay sige painumin muna namin ito ng gamot bago namin ito iuwi..” sagot ni Thunder. Tumango ako ng mapa inom nila si Flame ng gamot binuhat na ito ni Thunder dahil ayaw na mag lakad ni Flame.
Nang makaalis ang mag ka-kapatid doon lang pumasok ang balita tungkol sa ginawa nito. Pinapanood ko ito sa malaking screen. “Boss Earl, mangyayari po ba ang nangyari noon? Makukulong ba ulit si Boss Flame?” Mahinahon na tanong ni Alice sa akin.
“Hindi namin hahayaan na maulit ito..” sagot ko dito tumango ito. “Lahat tayo natatakot na baka maulit ang nangyari noon pero huwag kayo mag alala hindi na mag isa si Flame dito..” paliwanag ko sa mga ito.
“Nakaka takot lang po kasi dahil mas marami ang magiging kalaban niyo..” sagot nito.
“Hindi na ito bago, kailangan na lang natin maging mas malakas ngayon..” sagot ko tumango ito at hindi na ang salita.
Napa lingon ako ng pumasok si Ava at si Bryant. “Boss..” tawag nito sa akin at yumuko ito ng makita ako.
“Naparito kayo?” Tanong sa dalawang itong.
“Para po sabihin na nasa mabuting kalagayan na ang mga Clemenza.” Sagot ni Ava sa akin.
“Magandang balita ‘yan iparating niyo ‘yan kay Flame, sa ngayon huwag na muna dahil may sakit ang isang ‘yun..” sagot ko.
Yumuko ito at may inabot sa akin. “Ano ito?” Salubong ang kilay ko ng kinuha ko ito.
“Kasama po sa loob niyan ang inutos sa amin ni Boss Flame na kunin ang info. Ang bise presidente po ay sangkot din sa mga ilegal na pagpapatayo ng casino. Sangkot din sa bentahan ng mga armas..” paliwanag nito kaya nag ka interest akong buksan at basahin ito.
“Anong eksaktong utos sa inyo?” Tanong ko habang nagbabasa.
“Ilabas daw po ‘yan sa oras na mag amok ulit ang Bise Presidente..” sagot nito.
Tumango ako bago sumagot. “Okay lahat ng taong sangkot dito. Trabahuin at kidnapin niyo buhay dapat at ibigay sa pangangalaga ni Jimenez. Siya ang tumulong kay Mr. Ferguson.. matapos nito ibigay niyo ito kay Jimenez. Hindi natin ito ilalabas dahil lalong mag kaka gulo..” utos ko sa kanila.
“Klaro po boss..” sagot nito at inabot ko ito kay Alice.
“Kumuha kayo ng kopya nito matapos nito ibalik niyo kina Ava..” utos ko agad nitong kinuha.
“Opo boss, gagawin ko po agad. Saglit lang po Miss Ava..” mahinahon na sagot ni Alice.
“Take your time..” sagot ni Ava.
Umupo si Ava sa harapan ko at nag salita. “Ganito po ba talaga ang gawain ninyo?” Tanong sa akin ni Ava.
Nilingon ko ito at uminom ako ng alak bago sumagot. “Oo ito ang naging garapalang kilos ni Flame. Noon hindi dahil si Lolo pa o ang yumao naming grandfather ang namumuno. Pero nang mahawakan ito ni Flame unti unti nag iba na..” kwento ko dito.
Sinalinan ko ng alak si Bryant na tinanggap naman nito. “Salamat po dito.” Pasasalamat nito at uminom ito.
“Garapalan dahil pumapatay parin kami, tama naman si Flame kailangan ng bansa na ito ng tulong kahit pa maging masama kami sa harap ng maraming tao.” Wika ko at tiningnan ko ang wine na ito.
“Tulad ng wine na ito, ganito ang kulay ng dugo ng kalaban namin mas lalo kung marami sila. Wala ng tama sa lahat ng ito, hindi na gagana ang salita na lang..” wika ko at nilingon ko ang mag kaibigan na ito.
“Hindi maitatama ang mali ng isa pang pagkakamali. Hindi rin naman kasi maitatama ang mali din ng pagiging tama. Dahil minsan kung ano pa ang pinaniniwalaan mong tama siya pa pala ang mali..” maka hulugan kong wila.
“Tama po kayo, hindi na talaga maayos ito kung hindi sisimulan ng mga lider ng bansa.” Wika ni Bryant.
“Hindi na din ito maayos hanggat may mga tao na ayaw sa palalakad at gusto ng lider..” sagot ko at tumayo na ako.
“Mauna na ako, ang utos ko ako na bahala mag sabi kay Thunder ng tungkol dito.” Paalam ko at nag lakd na ako palabas ng underground.
Nag tungo ako sa sasakyan ko at sumakay dito. Nag tungo ako sa mansion ni Flame para sabihin na ito dahil plano ko din dito ako matutulog.
Mabilis ang pag mamaneho ko hanggang tumigil ako sa bakery upang bumili ng pasalubong sa mga bata. Hindi kasi ako makaka pasok ng wala akong dalang pasalubong. Ito kasi ang laging inaasahan ng mga bata kapag nag pupunta kami.
Kahit ano pwede kahit candy basta may ibigay ka sa kanila. Okay sila dito, saka kami din ang nag spoiled sa mga bata kaya kailangan namin panindigan ito.
Bumaba ako at bumili ng tinapay na gustong gusto ng mga bata. Mas lalo ang ube pandesal gusto nila ito. Matapos nito bumalik na ako sasakyan ko at nag tungo na sa mansion.
Habang nasa daan ako tumawag si Storm. “Pare, papunta ka dito? Paki daanan naman yung palabok na order daw ni Flame. Lima ‘yun bayad na..” pakiusap ni Storm ng sagutin ko ito.
“Okay sige papunta pa lang ako..” sagot ko at binaba ko na ang tawag nito dahil nag mamaneho ako.
Mabilis akong nag tungo sa pinag bibilhin nila ng palabok. Hindi nagtagal nakarating na ako at bumaba ako. “Nay kunin ko ho ang order ni Jiana..” wika ko ng makalapit ako.
Pakilala ni Flame dito ay Jiana at hindi Flame. “Hay mabuti ito na kunin mo ito tulungan mo siya.. may mga tinapay din at puto ‘yan na kasama ‘yan kasi ang gusto ng pinsan mo..” sagot ni nanay kaya agad kong kinuha ito at nilagay ko sa sasakyan. Matapos nito nag tungo na ako sa mansion.
-
If you plan on blaming others when things don’t go well, you might as well quit!