FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
PAG PASOK KO SA MANSION KASAMA SILANG LAHAT. Binaba ko ang suot kong jacket at nag salita. “Anong nangyari, paano nila nakuha si Ai?” Tanong ko sa kanila ng hindi man lang sila hinintay umupo at mag pahinga.
“Hon, tama na ang importante nasa sa atin na si Ai..” awat sa akin ni Blake.
“Enough! Muntik na malagay si Ai sa kapahamakan, paano kung hindi nila dinala sa senate hearing kanina at wala ako?! Paano natin hahanapin si Ai?” Hindi ko na talaga mapigilan ang emosyon ko.
Ang anak ko na kasi ang nalagay sa kapahamakan kaya naman nagagalit ako sa sarili ko. Ako ang ina pero ako ang wala sa tabi ng anak ko.
“Hindi namin alam ang eksaktong nangyari, maaaring si Aithne ang makaka sagot. Flame, i’m sorry..” paghingi ng tawad ni Kuya Thunder sa akin.
“Hindi na ito mauulit..” mahinahon na wika ni kuya Vlad.
Dahil doon huminahon na ako at umupo ako. Napa hawak ako sa ulo ng yumuko ako. “Sa susunod, unahin niyo ang kaligtasan ng mga mahal ninyo sa buhay bago ako o kahit sino sa atin dito. Dahil kaya natin ipagtanggol ang sarili natin pero ang iba ay hindi. Lagi niyo ‘yan tatandaan..” wika ko at dinampot ko na ang jacket ko.
Tumayo ako at iniwan ko na sila kahit ang asawa ko. Dumeretso ako sa kwarto at pabagsak kong sinara ito.
BLAKE SHIN DELA VEGA
“Ako na humihingi ng dispensa sa inasal ni Flame, alam naman natin na pag dating sa mga bata nag kakaganyan siya..” pag hingi ko ng paumanhin sa mga pinsan at kapatid ng asawa ko.
“Kasalanan din namin, masyado kaming naging kampante nawala sa isip namin ang kaligtasan ng mga bata..” sagot ni Vlad at umupo na rin ito.
“Hindi dapat natin makalimutan ang tungkulin natin bilang Tito ng mga bata dahil kasama sila sa obligasyon natin..” wika ni Demitri.
“Sorry..” paghingi ng tawad ni Damon at Storm. Tumango na lang ako.
Hanggang pumasok si Mommy kasama ang dalawang dalaga. “Anong nakita ko sa balita? Kinuha ang mahal kong apo na si Ai?!” Bungad ni Mommy.
“Mom, calm down nasa samin na ulit si Ai. And yes nakuha siya..” pag amin ko.
Nakatanggap ako ng pingot sa tenga ko at hampas sa braso ko. “Mom! Stop na masakit eh!” Awat ko kay mommy at lumayo agad ako.
Tumigil naman ito bago mag salita. “Ikaw ang ama! Hindi mo dapat iasa sa mga bayaw mo ang kaligtasan ng mga bata! Kayo ang magulang hindi sila! Sila ba ang gumawa ng anak niyo! Asan si Flame?!” Sermon ni mommy sa amin.
“Masakit na mom! Nasa taas pero huwag muna ngayon mainit pa siya mom, baka magka sagutan lang kayo..” hinimas ko ang hinampas ni Mom sa akin.
“Wala kayo dapat ika-hingi ng tawad, hindi kayo ang magulang ng mga bata! Sila ‘yun nandito lang kayo para suportahan at protektahan din ang mga bata pero hindi niyo kargo ang lahat! Ikaw na asawa at ama! Huwag ka umasa sa kakayahan ng asawa mo at mga bayaw mo!” Sermon na naman ni Mommy sa akin.
Narinig kong tumawa ang kapatid kong babae na kina iling. “Okay i’m sorry mom, tama na please? Tumatanda ka lalo, sige ka pag nakita ng mga bata ang wrinkles mo mapupuna ka na naman..” pananakot ko dito.
“Ay ganun ba? D’yos ko ayoko na masabihan ng apo ko na kulubot na ako. Ah basta! Ang sinabi ko Blake!” Huling wika ni Mom at umakyat na rin ito sa taas.
Humalik naman ang kapatid ko sa akin at umakyat na rin ng sabay. “Mauna na kami. Tumawag kayo kapag may problema..” paalam ni Vlad.
Nakipag kamay ako dito. “I will, thank you..” pasasalamat ko at hinatid ko sila hanggang pintuan. Tumayo at nag paalam na rin ang magkapatid na akyat na rin.
Dahil ang bahay nila ay iba ang naka tira dito. Bumuntong hininga ako at pinuntahan ko ang mag iina ko.
Nang makapasok ako dumeretso ako sa kwarto namin. Doon ko nakita na tulog na ang asawa ko at naka yakap ito sa bunso namin.
Hindi ko maiwasan hindi ngumiti. “Mommy kana talaga, dati nag aalala ka lang para sa mga pinsan mo at kapatid. Ngayon nag aalala ka na din para sa mga anak natin..” bulong ko at nilapitan ko ang asawa ko.
Humalik ako sa pisngi nito at sa noo ng anak ko. “I love you so much, sleep tight..” bulong ko at kinumutan ko ang mag ina ko.
Ang dalawa kong lalaking anak nasa playroom sila natutulog dahil doon na dinatnan ng antok hinayaan ko na lang. Nag linis naman ako doon kaya hindi sila masasaktan sa mga toys nila.
Lumabas na lang muna ako at kinuha ko ang susi ng sasakyan ko na Mercedes Benz G-class tig isa kami ng asawa ko nito. Pero mas madalas ako ang gumagamit nito, dahil alam naman natin ang paborito ng asawa ko ay McLaren.
Bumaba ako at nag tungo ako sa garahe. “Kuya paki bukas ang gate lalabas ako..” utos ko tumango ito at binuksan na ang gate.
“Nay mag text ka sakin kung may kulang d’yan para dadaan ako sa grocery..” mahinahon kong utos kay Nanay Fe.
“Sige anak..” sagot nito. Tumango ako at sumakay na ako agad kong nilisan ang mansion.
HINDI NAG TAGAL NAKARATING NA AKO sa grocery hawak ko ang cellphone ko dahil dito tinext ni Nanay ang wala sa bahay.
Kumuha ako ng push cart at nag tungo muna ako sa mga pang panlasa at mantika. Pero inuna ko na lang ang mga canned goods, si Damon at Storm ang mahilig sa ganitong pagkain.
Kaya kasama na ito sa binibili ng asawa ko. Matapos ko maka kuha ng canned good, diretso ako sa mga cookies at chips na gusto naman ng dalawang babae.
Dinamihan ko na ang kuha hanggang matapos ako. Nag tungo din ako sa gamit sa panligo namin, nang matapos ako nag tungo ako sa bigasan. Actually hindi ako ganun kagaling mamili, kung ano lang nakikita ko sa asawa ko ito lang din ginagaya ko.
I never do that kasi wala akong alam sa mga ganitong gawain. Kapag may gusto kami nandyan si Mom siya na ang bahala mas lalo ng binata pa ako.
Matapos ko kumuha ng dalawang sakong bigas umalis na ako. Kumuha ako ng favorite na drink ng mga bata, at meat and chicken kumuha din ako ng beef. Matapos nito binayaran ko na ang lahat ng ito.
Isa isa ko binuhat palabas hanggang sa sasakyan ko ang mga pinamili ko. Sa bigas naman tinulungan ako kaya nagpapasalamat ako at nag bigay din ako ng pera.
Matapos ko dito uuwi na ako pero may dadaanan pa ako. Sumakay lang ako ng sasakyan at umalis na ng parking lot nag maneho ako patungo sa isang flower shop.
Pag tigil ko sa sasakyan ko bumaba na ako at nag tungo ako sa loob. “Hi again..” naka ngiti kong bati.
“Kayo po pala Sir Blake, roses po ulit for Mrs Flame?” Tanong ni Shella.
Natawa naman ako at tumango. “Yes peace offering, she’s mad at me kasi..” nag kakampt ko sa ulong sagot.
“Naku ka Sir Blake fix that po agad, huwag mo hahayaan na matapos ang araw na ito hindi kayo nag babati. Red Rose parin po?” May babala sa payo nito at tanong nito sa akin.
“Ah pwede ba mixed flowers? Yung hilig ng asawa ko at anak ko pero sa bunso ko pwede bang 3 tulips?” Tanong ko dito.
“We can do that po, paki sulat po dito anong roses po, but kay baby girl pink tulips right and pink ribbon? I know what her favorite kasi..” natatawa nitong sagot.
“Yes for my daughter. Oh.. wait i need pa ng Easter Lily for my wife’s nephew baka hanapan ako dahil wala siyang Lily. That’s her favorite..” dagdag ko pa.
“Okay po sir Blake..” sagot nito at sinulat ko ang gusto ko para sa wife ko muna.
Red Roses for love, passion and desire.
Black Dahlia naman for Elegance, mystery and Farewell. Kailangan meron na black Roses ito kasi ang main favorite flower ng asawa ko kahit ganun ang meaning nito bumibili parin ako.
“May Hydrangea kayo right?” Tanong ko dito.
“Yes Sir..” sagot nito tumango ako at nilagay ko ang Hydrangea for Desire, hope and inspiration.
And the last one Calla Lily stands for Sophistication, deep passion and desire.
“Here..” wika ko at kasama na ang sa dalawa pang batang babae, sa anak ko at kay Hermione.
“Okay sir, gagawin na po agad..” sagot nito at agad itong pumasok sa loob.
HINDI NAGTAGAL NATAPOS NA RIN. Tumayo ako ng makita ko ang ginawa nila. “Wow! I like it..” papuri ko at nilabas ko ng atm ko.
“Syempre po, pinagkakatiwalaan niyo po kami sa Flowers po eh. Ito na po..” wika nito at inabot na sa akin ito.
Ngumiti ako at kinuha ko na ito. Nang mabayaran ko ito nag paalam na ako dahil yung karne na binili ko delikado ito.
“Salamat ng marami..” pasasalamat ko bago ako tuluyan lumabas ng kanilang shop.
Pumasok ako sa sasakyan ko at inayos ko ang pagkakalagay ng bouquet of flowers sa passenger seat. Umuwi na ako agad sa mansion baka gising na ang misis ko.
NANG MAKARATING AKO inutos ko na lang na ipasok na ang ibang pinamili. Ako na lang bahala sa bigas pero ginawa na ng guard namin na pinag pasalamat ko.
Nakita ko agad si Hermione na kumakain ito ng popcorn. “Hermione..” tawag ko dito at binigay ko ang favorite nitong Easter Lily. Nagliwanag ang mata nito ng makita ang favorite flowers niya.
“Akin po ito Tito Daddy?” Tanong nito.
“Yes of course i know your favorite flowers..” sagot ko dito. Tumayo ito at kinuha sa akin pero yumakap din ito.
“Thank you Tito Daddy!” Pasasalamat nito na kina tuwa ko.
Ngumiti ako. “You’re always welcome..” iniwan ko na ito dahil busy na itong pag masdan ang Lily niya.
Umakyat na ako at pumasok sa kwarto namin ng asawa ko. Pagpasok ko nakita ko ito nakatalikod at mukhang kagigising lang nito. Magulo kasi ang buhok nito, ganito naman talaga siya wala din siyang paki kung magulo ang buhok niya na hinayaan ko na lang.
Humalik ako sa balikat nito. “Hon, i’m sorry for what happened hindi na ‘yun mauulit..” pag hingi ko ng tawad.
Nang humarap ito ay pinakita ko sa kanya ang flower na binili ko. “You’re favorite..” ngumiti ako dito.
Hinawakan nito ang flowers at ngumiti ito sa akin, ang ngiti na ‘yan pwede na ako makahinga dahil alam ko na bati na kami. “It’s fine love, hindi naman ako galit sadyang natakot lang din ako at nagulat din..” paliwanag nito.
Tumango ako at humalik ako sa labi nito. “Again, i’m sorry may activity kasi ang mga bata sa school. Hindi ko napansin na nawala si Ai sa tabi ko, sinabi na lang ng guard na may kumuha daw. Akala niya ay kasama sa guard na personal na nakabantay ito kasi ang pakilala sa kanya.” Paliwanag ko.
Tumango ito. “Ako na ang kakausap sa kanila..” sagot ng asawa ko.
Umiling ako. “Leave it to me na lang, marami ka ng ginagawa hon.. i’m sorry..” pag hingi ko muli ng tawad sa asawa ko.
“Sa akin okay na, pero humingi ka din ng tawad sa baby girl mo. She’s upset kasi daw iniwan mo daw siya.” Sagot ng asawa ko.
Tumango naman ako at humalik ako sa labi nito at nagpaalam ako na makikipag usap muna sa bunso ko. Pagpasok ko nakita ko ito nakaupo ng makita ako humiga ito at tumalikod sa akin.
“Ai.. ayaw mo ba kausapin si Daddy? You can’t forgive daddy?” Malambing kong tanong dito. Umupo ako sa tabi nito pero naka tago pa rin ito sa kumot.
“You leave Ai! And Ai super scared!” Sagot nito at nilabas nito ang kanyang toys na octopus na may two side faces isang angry at naka ngiti.
Natawa lang ako pero hindi ko pinarinig dahil nakaharap sa akin yung angry side. Pumasok naman ang asawa ko na naka ngiti lang. “I didn’t know, diba sabi ko magpapaalam ka kapag may pupuntahan ka? Sasamahan ka naman ni Daddy eh. Kaso bigla ka umalis kaya natakot si Daddy..” pag kausap ko dito.
“But you didn’t find Ai! She’s scared!” Sagot nito na kina hilamos ko.
Kasi kung yayakapin ko ito ipag tutulakan ako ganito siya kapag upset siya kaya kailangan mo muna siya kausapin.
But Aithne is the sweetest baby girl for me, and she’s clingy.
“Okay daddy’s fault na, but you don’t love daddy na? Because daddy loves you so much. And daddy wants a warm hug from her baby girl..” pag kausap ko sa anak ko.
“No! I love daddy, mama and my two kuya! My cousins and tito’s and who love Ai!” Sagot nito na kina tawa ko na talaga.
Nilingon ko ang asawa ko na naka takip lang ang bibig gamit ang kamay nito. “And then can i receive a hug? Or still can’t?” Tanong ko dito.
Nang alisin na nito ang kumot at itaas nito ang kamay niya binuhat ko ito at niyakap ko ito ng mahigpit. “Daddy, don’t do that again okay? Ai will be scared ulit..” nakikiusap nitong wika sa akin.
“Shh don’t cry na, yes hindi na i’m sorry.. i love you so much..” niyakap ko ito ng mahigpit ganun din naman ang anak ko sa akin.
Kinuha ko ang favorite nitong Tulips at pinakita ko sa anak ko. “Bati na tayo? Hindi kana galit kay daddy?” Tanong ko dito.
Tumango ito at niyakap din nito ang tupid na binigay ko. Tumayo na ako at binuhat ang anak ko ang asawa ko naman ay umatras na. “Ano gusto niyo for dinner? Magluluto ako..” tanong ng asawa ko.
“Mama sinigang po na baboy..” sagot ng bunso ko.
“Yes hon, i missed that noong naka raan hipon kasi ‘yun..” pagsang ayon ko sa anak kong bunso. Lumabas na kami ng kwarto at nang magkita ang dalawang batang babae.
“Daddy baba ako! Ate Hermione pareho tayo..” wika ng anak ko kaya agad kong binaba ito at lumapit naman ito kay Hermione.
Ngumiti lang ako at sumunod sa asawa ko. “Hon? Pwede mo ba ako gawa muna ng kape?” Tanong ko sa asawa ko.
Nilingon ako nito kaya natawa ako. “Walang sisihan kapag sobrang pait ha? Hindi pa naman kayo mahilig mag lagay ng asukal! Gumawa ng asukal pero hindi nag lalagay hay naku!” Sermon na sagot ng asawa ko na kina tawa ko.
“Hon, half tease spoon lang kasi huwag buong kutsara na pang normal meal..” sagot ko dito.
Tiningnan lang ako nito ng masama na kina tawa ko. First time niya gumawa ng kape kay Vlad pa niya binigay naidura ni Vlad dahil sobrang pait, nang tinikman namin.
Sobra talaga ang pait nito, alam namin na hindi umiinom ng kape ang asawa ko. Kaya tawang tawa kami dahil sa ang pait talaga para siyang galit sa mundo.
Wala pang creame ang kape kaya talagang sobrang pait. Hindi parin ito na mamaster ng asawa ko kasi kapag nakita niyang malabnaw pa dadagan niya hanggang maging literal na black coffee.
Dahil ganito ang hinihingi sa kanya Black Coffee no sugar. Ni-literal na ng asawa ko.
Natawa lang ako at umiling ng maalala ‘yun kami pa ang inaway nito.
-
Black roses represent strength and courage to fight through life’s toughest moments.