FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
SINUOT KO ANG EARPIECE KO ulit matapos ko maligo at mag bihis. Ngayon pa-punta na kami sa Batasang pambansa, hindi naman ako naka posas o ano pa malaya akong nakaka kilos at nakaka lakad.
“Pumasok ka na sa loob..” utos ni Willis sa akin at pinapasok nila ako sa isang armored vehicles bulletproof ito at sound proof din ito. May apat na bintana ito kanan at kaliwa na tig dalawa kaya apat.
Ngunit puro bakal naman ito kaya malabo ka din makalabas. Pero wala akong planong lumabas o tumakas, tinago ko sa ilalim ng jacket kong pula ang hawak ko ebidensya na sasampal sa kanilang lahat sa loob.
Umupo ako sa bakal din na upuan sa loob at sinara na nila ito at narinig ko pa ang pag kandado dito.
Nilingon ko ang likod ko ng may sumakay na driver dito at binalik ko ang ayos ng upo hanggang maramdaman ko na umandar kami.
Umusog ako ng upo sa may bintana at sumilip ako dito. Maraming convoy akong kasama ngayon may police at sundalo, nang may tumapat sa akin na Agent nakita nitong naka silip ako, hindi ko ito pinansin at umayos na lang ako ng upo.
HINDI NAGTAGAL NAKARATING NA KAMI. Pag baba ko nakita ko ang sasakyan ni Kuya Vlad na Bently. Kahit malayo ito sa akin pero alam kong sa kanya ito.
Bumaba ako ng armored van, may nakapalibot sakin na sundalo kaya hindi rin ako makaka palag. “Miss Lavistre totoo bang may alam kayo sa mga katiwal—” hindi nito natuloy ang itatanong niya.
“Wala siyang sasagutin na tanong ninyo. Mag hintay na lang kayo sa magiging kinalabasan ng pagdinig..” malamig na wika ng police chief.
Pinapasok na nila ako sa loob hanggang dumeretso kami sa silid kung saan kami kahapon. Pinaupo nila ako at umalis na sila sa paligid ko, tahimik lang ako habang naka tingin sa paligid.
Yumuko ako at nag panggap ako na may inaayos. “Lahat sila armado na ngayon, hindi katulad kahapon..” bulong ko para malaman nila kuya Thunder ang sitwasyon ko ngayon.
Lumingon ako sa likod ko, walang sundalo pero nakikita ko ang mga 45 caliber sa tagiliran ng mga PSG. Umayos na ako ng upo, kung kakalkulahin ko nasa 20 PSG ang armado kasama ang sampung pulis at ang limang sundalo.
Kaya ko naman sila. Madali lang makaiwas sa kanila kung gugustuhin ko.
Nang tumayo ang lahat, ako lang ang nag bukod tangi na hindi tumayo. “Umpisahan na ang session..” utos ng presidente nila dito.
“Just one more thing bago tayo mag umpisa. May gusto ako ibigay..” wika ko at binuksan ko ang jacket ko.
Pero tinutukan agad ako ng baril sa ulo. Pero hindi ako magpapatalo, tinutok ko ang ballpen sa leeg ng katabi kong parte ng committee. “Ibaba mo kung ayaw mo tapusin ko ito..” banta ko at nilingon ako ang nanutok ng baril sa akin.
Binaba agad nito kaya nilabas ko ang folder na matagal ko ng hawak. “Basahin niyo ito lahat! Nang malaman at maging bukas ang mata niyo sa lahat..” utos ko at pinadulas ko ito mahabang mesa.
THUNDER LAVISTRE
“Ano sino Blake? Sino ang kumuha kay Aithne?!” Tanong ko kay Blake sa kabilang linya.
“Sabi ng school kinuha ng VPSG ng bansa si Aithne! Thunder ang anak ko kinuha nila!” Rinig ko ang taranta at takot ni Blake.
May activity ang mga bata ngayon sa school kaya nandun sila. “Okay, kailangan malaman ito ni Flame, pero alamin niyo muna Mika at Onze asan si Aithne dinala..” utos ko agad.
“Ako na ang kililos..” pag sabay ni Luther.
“Salamat..” sagot ko at binaba ko na ang tawag.
“Anong problema Thunder?” Tanong ni Vlad.
“Hawak ng bise presidente si Ai..” wika ko na kina mura nito.
“Sila ang nagpapaalala ng sitwasyon ngayon, sana lang hindi nila saktan si Ai dahil si Flame? Ang mas kinakatakot ko..” sagot ni Vlad sa akin.
Kaya naman naka ramdam na ako ng kaba ngayon pa lang.
BLAKE SHIN DELA VEGA
LUMIPAS PA ANG HALOS KINSE MINUTOS pinapanood namin ang live na usapan sa senate. Ako naman ay hindi mapakali dahil kinuha ng bise presidente ang bunso ko.
Napa lingon ako ng may pumasok sa loob ng underground. “Sumama ka na sa amin Boss Blake alam na namin na saan si Ai.” Wika ni Violet kaya sumama ako at iniwan ko ang mga anak ko sa kamay ni Storm.
“Please Storm kailangan ako ng bunso ko..” pakiusap ko.
“Ako na ang bahala..” sagot nito kaya agad akong tumakbo at sumakay sa sasakyan ni Violet.
“Saan siya dinala?” Tanong ko dito. Walang kasing bilis nito pinatakbo ang Lamborghini
“Nasa wearhouse na malapit sa Batasan boss, kailangan mo po sabihan ang ibang mga boss na huwag hayaan malaman ni Boss Flame dahil sigurado dadanak ang dugo!” Utos at sagot nito kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Thunder.
“Guys huwag niyo hahayaan na malaman ng asawa ko ang ginawa ng bise presidente! Dadanak ang dugo! Pakiusap huwag niyo sabihin sa asawa ko..” pakiusap ko ng sagutin ito ni Thunder.
“Maliwanag..” sagot ni Thunder.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
“Paano mo nakuha ang mga ito? Halos walong taon na ang lumipas ang iba dito..” tanong sa akin.
Umayos ako ng upo ng maramdaman ko na hindi na ako komportable bigla kong naisip ang mga anak. Pakiramdam ko may mali akong nararamdaman ngayon. “Dahilan matagal ko ng alam, sino bang maniniwala sa isang kriminal. Nasa sa inyo na kung paniniwalaan niyo ‘yan hindi ko rin inaasahan na titigilan niyo na ako. Ngunit ito na lang para matapos na ito gusto ko na imbestigahan ninyo ito, nasa sainyo na lahat ng ebidensya kayo na ang bahala kumilos..” putol ko sa sasabihin ko, napa lunok ako ng maramdaman ko na natutuyuan ako ng laway.
“Dahil kung hindi kayo kikilos at magiging bulag kayo tatapusin ko ang mga taong nasa listahan..” panapos ko hanggang.
“Mama! Kinuha ako ng bad goons!” Narinig ko ang boses ng bunso ko na kinatayo ko.
“Miss Lavistre umupo k——” hindi ko pinatapos sila ng mag salita ako.
“Sino ang kumuha sa anak ko?!” Galit kong tanong sa kanila. “Narinig ko ang anak ko!” Dugtong ko dahil narinig ko ang anak ko.
“Ano pinagsasabi mo?!” Tanong sa akin kaya agad kong pinakita ang ear piece kong suot.
“Mama!! I’m scared!” Naririnig kong umiiyak na ang bunso ko.
“Ito ang device kung saan konektado ako sa mga anak ko at tauhan ko! Ngayon sabihin niyo sino ang kumuha sa anak ko?!” Paliwanag ko at galit kong tanong sa kanila.
Ngunit imbes na sagutin nila ako agad may lumapit kahit anong linga ko hindi ko makita ang anak ko. “Hindi ito maganda. Miss Lavistre kumal——” hindi ko pinansin ang pulis na babae ng hawakan ko ang braso nito at balian ko ng braso ito.
“Sasabihin niyo o aamin kayo o tatapusin ko kayong lahat na andito?!” Tanong ko sa kanilang lahat at pag babanta ko.
Biglang pumasok ang bise presidente kasunod ang tao nito at ang anak ko. “Mama ko.. kinuha nila ako mama uwi na ako..” umiiyak nitong sumbong sa akin.
Tinaas pa nito ang kamay niya. Yumuko ako at nginitian ko ito. “Aithne sweetie ang code 7 gawin mo naiintindihan mo ba?” Tanong ko dito.
“Opo mama ko..” tumatango nitong sagot at pinunasan pa nito ang luha niya pero patuloy parin ito sa pag hikbi.
Tiningnan ko ang bise presidente sa mata nito at nag salita. “Sa oras na masaktan ang anak ko? Tatapusin kita lahat ng kasabwat mo tatapusin ko, galawin niyo na ako huwag lang ang mga anak ko..” pag babanta ko.
Hawak nito ang braso ng anak ko kaya hindi ito maka takbo. Pero kaya ko protektahan ang anak ko.
“DCN, B.O at D.O maghanda kayo sa pagkilos pumasok na kayo sa loob ng Batasan na ito at kunin ang anak ko!” Inayos ko ang earpiece ko at inutusan ko ang mga tauhan ko.
“Yes My lord!” Sagot ng mga ito.
“Flame. Huwag ka gumawa ng gulo ngayon! Hawak nila si Ai..” utos ni Kuya Thunder.
“Huwag kayo matakot sa isang ‘yan hawak natin ang anak ng demonyo na ‘yan! Hindi siya makaka kilos..” wika ng bise presidente.
“Aithne anak? UTT matapos ko sabihin ang code 7 BTH!” Utos ko sa anak ko.
“Opo mama!” Sagot nito.
Ang ibig sabihin ng sinabi kong Code 7 ay pag bumunot na ako ng baril at nag paputok. Bite the hand kung sino man ang may hawak sa kanya at tumakbo patungo sa ilalim ng mesa o Under the Table.
Ito ang ginagawa naming code para protektahan ang anak namin ni Blake. Alam nila kuya ito, “Wala akong pakialam sa gulong sinasabi mo kuya, ang importante sa akin ay ang anak ko..” wika ko at inalis ko ang speaker para hindi ko sila marinig.
Mabilis kong binunuot ang dalawang baril na hawak ng mga pulis. Tumalon ako sa mesa at tumayo ako dito ng diretso. “Ngayon sa loob ng limang minuto darating ang kasama ko sa lugar na ito, at papasukin nila ang loob na ito..” wika ko dumaan ang takot sa mata nila.
“Bumaba ka dyan Miss Lavistre!” Utos sa akin ng senate president.
“Ibigay niyo ang anak ko sa akin! Aalis kami dito ng hindi nag lilikha ng gulo..” wika ko,
“Hindi ako papayag! Hanggat hindi mo inaamin na ikaw ang pumatay sa kapatid ko!” Galit na wika ng bise presidente sa akin.
Ngumisi ako at nag salita. “Gusto mo masaktan? Ang ikalawa sa pinaka malakas na Mafia Boss ang gumawa.” Pag amin ko.
“Pero mas mabuti na namatay siya sa kamay ni Ace kesa sakin dahil sisiguraduhin ko na kahit ikaw wala sa position mo ngayon. Ganun ako mag trabaho..” malamig kong wika.
“Barilin siya!” Utos nito.
“Code 7!” Malakas kong sigaw para marinig ng anak ko.
“Aaaah s**t! Tumigil ka sa pagkagat! Aray!” Sigaw na daing ng lalaki at nakita ko na tumakbo ang anak ko sa ilalim kaya pinagbabaril ko ang lahat ng VPSG at PSG kahit ang mga pulis.
Nang tumigil ako nag salita ako, “Uulitin ko aalis ako dito kasama ang anak ko! Kung hindi niyo kami hahayaan makalabas! Tatapusin ko na kayo agad..” pag babanta ko at bumaba na ako.
Agad tumakbo ang anak ko sa akin at pinasuot ko ang jacket ko dito. “You’re safe..” bulong ko at binuhat ko ito.
Mahigpit itong yumakap sa akin. Nasa ilalim ng jacket ko ang isang baril ko na hindi ko nakuha. “Sige makakaalis ka na..” utos ni Agent Willis.
“Pakisabi sa presidente salamat sa proteksyon niya. Iiwan ko na sa kanya ang pag lilitis..” habilin ko kay Agent Willis.
Yumuko ito bilang paggalang. “Makakarating..” sagot nito.
Tumalikod na ako at nag lakad na hanggang.. “MAMA!” Sigaw ng bunso ko at sunod sunod ang putok ng baril ang kumawala sa buong paligid.
Hawak ng bunso kong anak ang baril ko at nang lumingon ako sa likod. Nakita kong tinamaan nito ang bise presidente, nilingon ko ang anak ko nakita ko ang mata nito malamig ang tingin nito ni walang emosyon ang mga mata nito.
Ang mata ko ang nakuha ng mga anak ko mas lalo kung tumi-tingin ito sa mga tao. “Hindi ko ba nasabi? Well-trained ang mga bata sa amin pero sa baril pa lang sila natuto..” ngumisi ako at nakita kong duguan ang bise presidente dahil tinamaan ito sa hita.
Tumalikod na ako na ako nag lakad palayo. “Takot ka pa ba?” Tanong ko sa anak ko at niyakap ko ito ng mahigpit.
Umiling ito ng marahas. “Hindi na po mama, kasi hug mo na po ako..” magalang na sagot nito.
“Always remember this okay? Huwag kang sasama sa kahit sino kahit bigyan ka pa nila ng favorite mong toy, mas lalo kung hindi mo kilala o magpakilala na kilala namin. Kaibigan o pinsan. Tatandaan mo nakita mo na ang lahat ng pinsan at tita at tito mo kuya at ate mo sa amin ka lang maniniwala naiintindihan mo po ba?” Pag kausap ko sa anak ko.
“Opo I’m really sorry mama, I will apologize to daddy din because he's gonna worry about me..” bulong nito.
“Yes honey. But for now, take a rest you’re safe na..” bulong ko dito at hinalikan ko ang pisngi nito..
Nang humilig ang ulo ng anak ko sa balikat ko bumaba na ako. Nakita ko agad ang kuya ko, at ang asawa ko. Mabilis akong lumapit dito at pinasa ang anak namin. “Umalis na kayo dito! Bilisan niyo.” Utos ko dito at kinuha ko ang baril na inabot ni kuya Thunder at Vlad.
“Mag ingat kayo..” wika ng asawa ko at agad itong sinamahan ni Wendy at ng iba pa.
Tumalikod na ako at saktong pag labas ng mga pulis, pinaulanan na kami ng bala ng mga ito kaya imbes na tumakbo, sinagot namin sila ng bala din.
“NGAYON NIYO SABIHIN SAKIN NA AKO ANG NAUUNA?!” Tanong ko sa kanila at pinag tatamaan namin ang mga pulis sa ulo na kina bagsak nila.
“Nakaalis na sila Blake!” Pamamalita ni Ezekiel sa aming lahat.
Tumango ako at inalis ko ang magazine ng baril ko at pinalitan ko ito sa harapan nila. Ang mga media naman ay nasa taas kinukunan ang mga nangyayari.
“Hindi pa natin ipapatigil ang pagkuha ng media?” Tanong sa akin ni Earl.
“Hindi..” simple at maikli kong sagot. Nang pumasok ang ibang sundalo natawa naman ako at umiling.
“Bakbakan na..” wika ko at bago pa sila maka pwesto sumugod ako sa babaeng sundalo at hinatak ko ang armalite nito at binali ko sa dalawa.
Nang ilabas nito ang balisong nito, sinuntok ko ang mukha nito at sinapa ko ang sikmura nito. Tinutok ko ang baril ko at pinaputukan ko ito sa mukha. Napa lingon ako ng may sumigaw sa likod ko at doon ko nakita na lumabas ang buto sa braso ng lalaking pulis ng balian ito ni Earl.
Nakita ko na naihi ang isang pulis na lalaki sa kanyang uniporme. Kaya nag lakad na ako palapit sa mga kasama ko. “Paalisin niyo kami dito, kung ayaw niyo na mas malala pa ang mangyari ngayon. Baka ngayon ko tuluyan ang mahal ninyong bise presidente.” Pananakot ko.
Kahit na nginginig ang kamay nila hindi pa rin sila natinag. Hanggang may sumigaw sa labas. “Ceasefire! Walang mag papa-putok lahat ng armas ninyon ibaba niyo! Hahayaan na natin ang mga Mafia na makaalis dito! Simula ngayon wala ng mangingialam sa gawain ng mafia ako na Presidente ng bansang ito! Hindi sila ang tunay nating kalaban kundi ang mga kapwa lang din at ang mga sarili lang natin..” wika ng Presidente ng bansa naka megaphone pa ito.
Binulsa ko ang dalawang baril ko at nag lakad na ako palabas ng hindi lumilingon. “Umalis na tayo..” utos ko sa mga kasama namin.
Nag lakad na kami palabas nag tama ang paningin namin ng presidente pero hindi ko ito tinanguan. Diretso lang akong maglakad palabas.
Hanggang ihagis sa akin ni Agent Shantel ang susi ng McLaren ko na agad kong sinalo. “Thanks..” pasasalamat ko, yumuko ito bilang paggalang.
“Umuwi na tayo at kailangan niyo mag paliwanag sa akin tungkol kay Ai..” wika ko na kina kamot sa ulo ni Damon, Azi at kuya Thunder.
Sino ba ang nagsasabi na tapos na ito?
-
I never lose. I either win or learn