Chapter 4

1228 Words
"Saan ka galing, Dia?" Tanong sakin ni Josie nang masalubong ko siya sa hallway pagkalabas ko ng cr.  "Uh--Josie--" "Honn! Akala namin ay umuwi ka na!" Tumagos ang tingin niya sakin at bahagya akong  hinawi upang lapitan ang lalaki sa likod ko. Napahinga ako ng malalim at dahan-dahan na naglakad papalayo hanggang sa makabalik ako sa table na inookupa namin.  "Uh--Crystal. If ever na hanapin ako ni Josie, pakisabi na umuwi na ako ha, mag-uumaga narin kasi." Sabi ko at tipid na ngumiti dito. "Are you sure? Saan ka ba nakatira, gusto mo bang ipahatid kita sa driver?" Umiling ako sa alok niya at nagpaalam na. Wala na silang nagawa nang maglakad ako papalayo. Muli kong narinig ang malakas na ingay ng bar hanggang sa makalabas ko.  Yakap-yakap ko ang aking sarili habang naglalakad papalayo sa bar na pinangalingan ko. Medyo nakakalayo na ako pero hanggang ngayon ay hindi parin ako pamilyar sa lugar na ito, at isa pang inalala ko ay wala pala akong dalang pera at naiwan ko pa ang phone ko sa condo ni Josie. Paano ako makakauwi nito? Bigla kong naalala ang nangyari kanina at napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ako iyong tipo ng babae na ng umiyak over things, sa aming magkakapatid, ako ang sinasabi nilang matapang pero sa sitwasyon ko ngayon at sa nangyari kanina ay hindi ko napigilan ang panunubig ng mga mata ko.  Buong buhay ko, wala ni isa ang gumawa sakin noon. Naging nobyo ko si Gabriel nang halos isang taon pero kahit kailan ay hindi ko siya pinayagan na gawin iyon sakin, hanggang halik at yakap lamang siya. Kaya naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mangyari iyon! Hinayaan ko siyang hawakan ako sa parteng ako pa lang ang nakakahawak at nakakakita. He even kissed me there that made me so much hated for myself! Hindi ako mangmang para hindi malaman ang ginawa niya, for crying out loud, he f*****g finger me! Sunod-sunod akong bumuntong hininga at pinigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Luminga ako sa paligid at doon ko narealize na wala paring dumadaan na taxi o kahit anong pwedeng sakyan pauwi sa amin. Inis konv pinadyak ang mga paa ko sa semento at ginulo ang aking buhok.  "Stupid Diamond. So stupid!" Wika ko saking sarili. Inis na tinanggal ko ang aking sapatos at ibabato sana kung saan nang may umilaw sa likod ko kaya napalingon ako doon. Bigla akong nabuhayan nang makitang may papalapit na sasakyan kaya muli kong sinuot ang sapatos ko at hinintay ito na makalapit sakin, paparahin ko na sana nang huminto ito sa harapan ko.  Nabura ang ngiti sa mga labi ko nang ibaba ng driver ang window at bumungad sakin ang mukha ng lalaking gumawa sakin ng kamunduhan. Nakangisi itonf nakatitig sakin na tila nang-aasar pa. "Hop in. Ihahatid na kita, Miss." Anito kaya inirapan ko lang at nagsimulang lakad. Hindi pa ako masyadong nakakalayo nang pumantay ang kotse nito sakin na lalong ikinainis ko. "What the hell, Zamora!" Singhal ko sakanya. "Come on, Miss. Kung kanina nga ni hindi ka man lang nagpakipot, ngayon pa kaya." Inis na nilingon ko siya at humalukipkip sa harapan niya. Agad naman niyang hininto ang kotse at narinig ko pa ang pag-unlock.  "Sakay na. Malalim na ang gabi, mahirap na pagala-gala ka diyan sa daan gayong sobrang ganda ay sexy mo pa naman." Sabi niya pa. Napapikit ako at saking pagdilat ay hinawakan ko anh pinto ng kotse niya. Dahan-dahan ko itong binuksan at dahan-dahan din akong sumakay. No choice eh, gusto ko ng umuwi at ayoko nang makipagtalo sa lalaking ito hindi ko alam kung ano ang plano sakin. Hindi ko alam kung bakit siya ganito sakin gayong kakakilala lang namin kanina. What's with me, like duh? Alam kong napaka-ganda ko pero diba nakuha niya na ang gusto niya sakin? May kulang pa ba? Tahimik lamang kaming dalawa habang nasa biyahe. Hindi siya nagsasalita ay ayoko ring magsalita. I feel awkward and uncomfortable ngayon. Ni tignan ay hindi ko kayang gawin kaya nakatingin lamang ako sa labas ng bintana. "About what happened earlier." Hindi ako umimik at hindi siya pinansin nang bigla siya magsalita pero ramdam ko ang pagkuyom ng kamay ko na nasa ibabaw ng legs ko. "I find you really sexy and so desirable. Honestly speaking, I got turn on whenever you spoke and even just biting your lip." Anito na nagpalingon sakin sakanya.  "What? So mukha akong kabastos-bastos kaya mo nagawa yun? What's next, you'll taken my virginity? Hell no!"  "Hindi. Sobrang ganda mo lang and you captured my eyes." Natahimik ako at hindi na muling nagsalita. Muli akong tumanaw sa labas ng bintana at hindi na siya tinignan.  "So you're a virgin." He stated makaraan ang ilang sandali. Hindi ako muling umimik hanggang sa matanaw ko ang Mall na malapit sa bahay namin. "Stop the car, bababa na ako." Agad naman niyang inihinto ang sasakyan at pipihitin ko na sana ang pinto nang marinig ko ang lock nito. "See you when I see you, Diamond. Your so sweet." Inirapan ko lang siya at muling pinihit ang handle. Saktong bumukas ang pinto kaya nagmadali ako sa pagbaba.  Hindi naman masyadomg malayo ang binabaan ko kaya mabilis akong nakarating sa bahay. Dahan-dahan akong pumunta sa CR at mabilisang naligo. Isinuot ko ng damit na kinuha ko sa sampayan at  saka pumanhik sa itaas. Tulog parin ang mga magulang ko ng madaanan ko sila kaya mabilis ngunit dahan-dahan akong pumasok sa kwarto at humiga sa tabi ni bunso. Pumikit ako at muling nakatulog. *************** "Magkano po kapag kukuhanin ko ang lahat ng units, Mam?" Tanong ko sa Accounting officer nang mag-eenroll na ako para sa second semester. "Php.65,079.25 lahat, Clemente." Sagot nito sabay abot sakin nang ma subjects na para sa second sem.  "Pero dahil scholar ka ay Php.32,079.25 nalang. Babayaran mo na ba lahat?" Umiling ako at ibinigay sakanya ang then thousand pesos na dala ko. Agad naman siyang may tinyoe sa computer pagkuwa'y nagprint ng resibo ko at ibinigay sakin.  "Pumunta ka sa Dean." Wika nito kaya tumango ako. Pagkalabas ko sa accounting dept ay tumungo ako kay Dean. Kinausap lang naman ako nito na pangalagaan ang scholarship ko at sana ay mas taasan ko pa ang grades ko. Tumango lang ako at pagkatapos ng ilang sandali ay nagpaalam na.  Kasalukuyan akong naglalakad sa oval nang makita ko si Josie, agad ko itong tinawag at nakangiti naman itong lumapit sakin, "Dia! Paano ka nakauwi?" Bungad na tanong nito na ikinatawa ko.  "Nagtaxi." Simpleng sagot ko. Tumango-tango siya at tinanong kung nakapag-enroll nako sumagot naman ako ng oo,sandali pa siyang nagkwento about sa pagbabar namin last week bago siya nagpaalam na uuwi ng maaga. I bid her goodbye at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng University.  Isang linggo na pala ang nakalipas ar sa twing naalala ko ang mukha niya, the way he kissed and touched me ay feeling ko parang kahapon lang. Hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon makalimutan na ikinakagalit ko sa sarili ko. Suddenly, bigla din akong naging interasado sakanya, I even searched him on Internet at nalaman ko na he's a certified playboy at mahilig sa mga babaeng mapuputi! I cursed myself at gusto ko nalang tigilan ang pag-gamit ng kojic soap para hindi na niya mapansin. Paano kung muli kaming magkita? He's so irressitible pa naman, I guess? Hay ewan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD